Four years old na si Baby Zia, ang bibang panganay nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. At ayon kay Dong, lumilitaw na ang personality nito na maski siya minsan ay nagugulat. Gaya nalang lately na na-discover niyang tila nagiging fashionista ang soon-to-be ate na si Zia.
Ito na raw ang mismong namimili ng mga isusuot niya pag aalis sila with matching pili ng ite-ternong sapatos. Hindi raw siya magtataka kung may sarili na rin itong desisyon pagdating sa costume na isusuot ng Halloween, ang okasyon na tradisyunal nang pinaghahandaan ng pamilya Dantes. Matatandaang nag-Batman theme sila noong 2017; habang ang mga kalaban naman ni Batman ang napili nilang pagawan ng costume noong nakaraang taon.