Tirso Cruz, masayang-malungkot sa kanyang kaarawan

Versatile actor Tirso Cruz III turns 67 today, April 1, pero kagabi ay binigyan siya ng isang surprise asalto ng kanyang pamilya—led by his wife Lynn Cruz—at mga kaibigang matatalik. Ang salubong party ay ginanap sa Shabunoki Restaurant sa BF Homes, Parañaque, kung saan imi-meet nila ang mag-asawang Amy Austria at Duke Ventura supposedly. 

Ang “script” kasi ay sa Parañaque napiling mag-church ng mag-asawang Ventura para na rin daw masubukan ni Amy ang services sa Nail Spa business ng bunso ni Tirso na si Djanin. Pagkatapos noon ay tinawagan daw siya ng anak na si Bodie para i-meet sila sa Shabunoki at iti-treat nila ang mga dayo sa South (mula Quezon City) na sila Duke at Amy nga. Pinasunod kunwari ni Bodie ang tatay nila sa said restaurant, kung saan naghihintay na pala ang mga tinipong mahal sa buhay at kaibigan ng pamilya Cruz.

Magkahalong saya at lungkot daw ang naramdaman niya that very moment na nakita niya ang lahat ng nagmamahal sa kanya sa isang kuarto pero agad ay naisip niyang “incomplete” ang casting kumbaga, dahil wala ang panganay niyang si TJ, who passed on in November last year.

“Ako pala ’yong tatamaan no’ng unang birthday na wala si TJ…” medyo teary-eyed na kwento sa amin ng birthday boy. “Ngayon lang ako magbe-birthday na wala ’yong isang anak ko. Hindi ko naman sa minamaliit…alam kong mahal ako ni Bodie, mahal ako ni Djanin…pero ’yong feeling lang na incomplete ’yong pamilya mo…wala ’yong panganay…parang it’s not really…parang wala ka sa mood mag…of course I recognize it’s my birthday…yan ang gusto nila and s’yempre masaya rin ako na kasama ko mga anak ko…but there’s nothing like having a complete family.

“Naiyak lang ako, kasi pag kita kong ganya… kumpleto lahat pero ’yon lang, wala ’yong anak ko…wala rin ’yong pinsan ko—nanay nila Rayver.”

Ang tinutukoy ni Tirso ay ang pinsan niyang si Melody Cruz na namayapa naman nito lang February 2019.

Ang gusto noong dalawa [Bodie and Djanin] ay mag-spend lang ng time as a family sa farm nila sa Lipa, Batangas. At mas gusto na rin daw niya ito dahil hindi pa rin niya mai-alis sa isip kahit saglit ang namayapang anak na si TJ.

Ayon kay Tirso, wala siyang naramdaman man lang na may pinaplano palang surpresa sa kanyang ang kanyang pamilya’t mga kaibigan. Plano lang daw nilang mag-anak na mag-spend ng quality time sa farm nila sa Lipa, Batangas sa araw mismo ng kanyang birthday. He prefers it that way daw dahil hindi nga raw buo ang loob niyang mag-celebrate. 

Galing pa raw silang mag-asawa ng Tacloban noong Sabado at wala naman siyang naramdaman na may secret plan pala ang asawa niya na matagal na palang inorganisa ang asalto niya.

Kahit malungkot at apaw na apaw pa rin naman saya niya dahil sa pagmamahal na ipinakita ng pamilya at mga kaibigan. Super appreciated daw niya ang effort ng lahat na pasayahin at bigyang importansiya siya sa kanyang special day.

Bukod sa mga kamag-anak ay namataan namin sa dinner party of course ang buong barkadahan na kung tawagin ay The Legends—mag-asawang Christopher de Leon and Sandy Andolong, mag-asawang Bobot Mortiz and Millet, mag-asawang Amy Austria at Duke Ventura, Lorna Tolentino, Gina Alajar, Laurice Guillen, Ali Sotto, Fanny Serrano, Melissa Mendez, Malou Fagar, mag-asawang Bibeth Orteza at Carlitos Siguion-Reyna, at si Racquel Villavicencio.

Present din ang ilan sa mga Legends kids gaya ni Ina Feleo, Rap Fernandez, Rafa Siguion-Reyna, at Camille and Calin Mortiz.

Nakisaya rin ang “asawa” ni Tirso sa The General’s Daughter na si Janice de Belen; habang humabol naman si Jodi Sta. Maria na nakasama ni Tirso sa maraming drama series gaya ng Pangako Sa’Yo (Book 2) at naging malapit na ring kaibigan niya.

Full force din ang pamilya nina Rayver Cruz (na pamangkin sa pinsan ni Tirso on his mom’s side) kasama ang mga kapatid na sina Rodjun at Omar.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.