This is Showbiz Episode No. 31: Rodjun and Rayver Cruz, magkapatid na, mag-best friends pa

Hindi nabiyayaan ng kapatid na babae ang showbiz royalty siblings na sina Rodjun at Rayver Cruz at ang kuya nilang si Omar. Pero okay na rin daw dahil kung may kapatid raw silang babae ay baka na-rebelde na ito sa sobrang pagka-protective nila.

Kung sa isa’t isa nga naman—kahit panay lalaki sila—ay protective sila, di lalo na nga naman kung sa babaeng kapatid.

Pero kahit pa mga barakong tingnan dahil sa tikas at laki ng mga katawan ay lumaking malalambing at mababait ang magkakapatid na Cruz (Ilustre in real life). At solid na solid daw ang kanilang samahan kahit pa may kanya-kanta na silang buhay. Araw-araw daw ang kanilang kumustahan at hindi pa rin nawawala ang I love you-han sa isa’t isa.

At ang magagandang katangian na yon ng poging magkakapatid ay dahil sa magandang palaki sa kanila ng kanilang magulang, lalo na ng kanilang Mama Beth. Nakakalungkot lang na ulilang lubos na sila ngayon. Their dad Rodolfo Sr. passed on in 2009; habang ang Mama Beth naman nila ay pumanaw only two years ago dahil sa pancreatic cancer. In fact, up to now ay devastated pa rin ang magkakapatid sa pagkawala ng mama nila dahil lahat sila ay proud Mama’s boy.

Nakita naman daw ng mama nila na kahit paano ay may narating na sila sa buhay na magkakapatid. Pero ikina-lungkot nang husto ni Rodjun na hindi na nito naabutan ang kasal niya kay Dianne Medina at ang apo nito sa kanya na si Joaquin. Sa part naman ni Rayver, hindi na rin daw inabot ng mama nila ang pagpapa-ayos niya ng bahay nito na pangako niya noon sa kanya.

So far, si Rayver nalang ang hindi pa lumalagay sa tahimik at wala pang “ambag” sa angkan, so to speak. Pero matibay din naman ang relasyon nila ni Janine Gutierrez at nagpapasalamat siyang may mga kuya siyang nag-set ng mga good examples pag dating sa relasyon dahil naga-guide nga naman siya. 

At dahil solid nga ang kanilang brotherhood, kaya kahit sa pagbuo ng business, magkakatuwang pa rin sila. Brainchild ni Rodjun ang CruzFit sports apparel na ang pinagmulan ay ang pangarap nitong magkaroon ng CruzFit Gym. Offshoot lang sana ng gym ang apparel pero dahil sa pandemic, nauna muna ang apparel na pormal na nilang ini-launch sa publiko kamakailan.

So far, meron silang shirts, hoodies, jogging pants, shorts, caps, and even face masks. Nagsimula sila sa basic black and white color pero unti-unti na silang nagpapasok ng ibang kulay gaya ng army green, gray, at orange na siyang favorite color ni Rodjun.

Kilala kasing fitness buff at sporty ang magkakapatid kaya hindi na sila lumayo sa pag-iisip ng negosyo. So far ay maganda naman daw ang reception sa mga online stores pero pangarap pa rin nilang magka-physical store in the future. At sakali nga raw malagpasan nating lahat ang pandemya, pangarap pa rin nilang ituloy ang CruzFit gym na may extension na dance studio bilang kilala nga rin ang Cruz brothers sa kanilang mga kilabot dance moves. 

Alamin kung gaano ka-close ang magkapatid na Rodjun at Rayver, plus mga ganap at plano nila sa respective lives nila.

Please view the full “This is Showbiz” interview by clicking the video link above.

MORE VIDEOS:

Exclusive: This is Showbiz Episode 22 (A): Darryl Yap, nangangakong “kita ang kaluluwa” ng mga artista niya sa Pornstar

Exclusive: This is Showbiz Episode 22 (B): Bare-all tsikahan with Pornstar stars Maui, Ara, Alma, at Osang

This is Showbiz #21: 2021 psychic predictions for KathNiel, AshMatt, Alden, Maine, Coco, Vice, atbp.

This is Showbiz #20: Jewel Mische at ang mala-fairy tale niyang buhay sa Michigan, USA

Exclusive: This is Showbiz #19: MMFF 2020 Best Actress Charlie Dizon, ayaw ipapanood sa parents ang movie niya

Exclusive: This is Showbiz 18: Charo Santos-Concio, ang over achiever na nahulog sa third floor ng bahay at 3 years old

FOLLOW US ONLINE: 
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.