This is Showbiz Episode 14: Carol Banawa, fulfilled at inspiring ang buhay sa Amerika

Happy ang singer-turned-nurse na si Carol Banawa sa pinili n’yang landas ngayon sa field ng medicine at malayo sa showbiz. 

Eksklusibo kasing na-interview ni Anna Pingol via Zoom para sa online show ng pikapika.ph na This is Showbiz ang dating singer-actress na ngayon ay naka-base na sa Virginia, USA. 

Ayon sa k’wento n’ya, dream daw pala talaga n’ya na maging doktor kaso hindi ‘yon natupad dahil sa tinutulan ng kanilang protective na ama ang pagiging malayo ng magiging eskwelahan ng anak—which was UP Manila sana. Ang resulta, napilitan daw s’yang kumuha ng ibang kurso sa eskwelahan kung saan “bantay” niya nang kanyang kuya. 

Nakapasa ako,” natatawang pagbabalik-tanaw ni Carol. “Actually, sa UP Manila... ang pre-med ko dapat was occupational therapy kaso ‘yong tatay ko ayaw.

Ayaw n’ya kasi taga-Antipolo kami noon, sa Taytay. ‘Di ba ang layo? So, sabi ko, kung papasok ako doon, sabi ko, gusto ko mag-dorm ako kasi ang hirap naman kung mag-biyahe every day. Tapos ayaw niya. So, kaya nag-end up ako sa UA&P [University of Asia and the Pacific]. Doon ako nag-end up mag-college kasi nga nandoon ang kuya ko. So, kaya gusto n’ya [daddy] doon kasi may bantay ako doon. Hahaha!”

Information technology daw ang kinuha n’yang kurso na medyo hawig sa kanyang ate at kuya na mga parehong computer major. 

Dito na din pumasok sa showbiz si Carol at isinabay ‘yon sa kanyang pag-aaral. 

“Before nu’ng nangyari ‘yong accident, ang priority talaga was school kasi bawal talaga sa papa ko ‘yong showbiz,” pagre-recall pa ng singer-actress. “Kami ni mama ‘yong gustong sumingit sa showbiz. Actually, si mama ‘yong mahilig talaga. So, ako naman, s’yempre, nu’ng time na ‘yon parang laro-laro lang, ‘di ba po?

Laro-laro pa kasi parang nag-full blast lang naman talaga ‘yong career ko after na, ‘di ba, nu’ng accident. Kasi nag-full time na ako mag-work noon. Kumbaga, it became a job more than a hobby on the side kasi I stopped school. Tapos kumbaga, lahat na ng offers na dumating I accepted it.  Hindi katulad noon nu’ng nandyan pa si papa. Nakabantay talaga si papa sa amin.

[Ang tinutukoy na “accident” ni Carol ay ’yong widely-reported carbon-monoxide poisoning ng kanyang papa at Kuya Alexander na naganap sa parking lot ng isang mall noong 2003. Nakatulog sa kotse ang mag-ama habang naka-bukas ang aircon at makina ng sasakyan prompting them to unconsciously inhale carbon monoxide na ibinibuga ng sasakyan na sumisingit sa loob ng saradong kotse.

The accident immediately took the life of her Kuya. Naka-survive ang kanyang papa ngunit naging paralisado. Namatay din ito several years after.

Ang nasabing aksidente ay nagbukas ng mata ng publiko tungkol sa carbon-monoxide poisoning.]

“[Year] 2003 po ako umalis so it was ano talaga...a lot of reasons,” patuloy na salaysay pa ni Carol. “First of all, one of the reasons was, si papa was gonna get supposedly… There were doctors na who wanted to bring papa here. So, nauna ako kasi nandito na ‘yong ate ko that time.

“And also, s’yempre, na-in love [ako]. Gusto nang umalis,” natatawang dagdag  n’ya. “My husband was here so, s’yempre, nu’n gusto ko na rin s’yang makasama so pumunta na rin ako dito. 

Unfortunately, hindi daw natuloy ang pag-alis ng papa n’ya dahil sa iba’t ibang dahilan.

K’wento pa n’ya, huling beses daw silang nakauwi sa Pilipinas ay nu’ng mamatay ang kanyang papa. 

“Last time ko pong dumalaw was 2012,” salaysay pa ni Carol. “‘Yun ‘yong namatay ‘yong papa ko po. We were actually there for a month and a half. Kasi namatay po ‘yong papa ko August 31st pero nandu’n na kami mga beginning of July pa lang kasi sinabihan na kami ng doctor na, ‘Uwi na kayo kasi anytime…’”

Sa ngayon ay nasa US na din ang mother nila kasama ng ate n’ya na naka-base naman sa Minnesota.  

As she mentioned earlier, sa US na nga din nakilala ng Pinay singer ang kanyang naging mister na si Ryan Crisostomo,  isang Pinoy din na tubong-Bulacan and who is serving in the US military. Aniya, si Ryan ay pinsan ng dating producer ng shows n’ya sa California.

’Yon pong nauna kong producer dito sa US was actually his cousin,” tsika pa ni Carol sa online show. “Pero hindi ko s’ya na-meet sa [mismong] show. Na-meet ko na s’ya, actually, a day after kami mag-show, nu’ng papasyal na.

Kasi he was supposed to help during that show kaya lang hindi s’ya nakapunta agad. He was working. Taga-Arizona pa s’ya nu’n and my show was in California. So, hindi s’ya umabot. And then, dumating s’ya the next day so tumulong lang s’ya para… You know, nagda-drive s’ya for us.”

At doon na daw sila nagkahulihan ng loob . 

Tapos ‘yon na. Nagkapa-sweet-an na kami doon,” natatawang k’wento n’ya. 

At that time, aminado si Carol—na kilala bilang Nurse Claire ngayon doon—na ginusto talaga niyang mag-time off muna sa showbiz dahil sa pagka-burn out dala na rin ng mga pinagdaanan ng kanilang pamilya. 

Ani Carol, nag-chill muna siya ng ilang taon at in-enjoy ang private life with her husband Ryan sa Arizona.  

After that, nag-decide na daw si Carol na balikan ang naiwan n’ya before which is ang pag-aaral ng medisina...lumiko nga lang ang kaunti dahil nursing ang pinorsue niya.

“I took the time off and enjoyed myself,” lahad n’ya. “And then nag-start lang po ulit ako mag aral. I started my path towards nursing [in] 2005. I started as a nurse assistant and then nu’ng na-certify ako nu’n, I worked for a few years.”

Naging matiyaga ang singer-actress para matupad ang dream n’yang ‘yon na ilang ulit ding naantala.

“And then I had my first baby in 2007. Tapos from there, [I] stopped muna working. Nag-focus po ako doon sa baby. 

“And then [in] 2009, we moved here in Virginia [from Arizona]. Pag dating dito sa Virginia, sakto naman...Before, we moved here, I want to go another step higher—as licensed practical nurse—kasi mahirap din po.

Hindi naman daw kasi napakinabangan ‘yong college records n’ya nung nag-aaral pa s’ya noon sa Pilipinas kaya kinailangan n’ya daw i-take lahat ng subjects. 

“So, I had to start from scratch, ‘di ba?” So [in] 2009, I did my practical nurse program. I got my license [in] 2010. Nag-work po ako dito and then nabuntis naman ako nu’ng 2011.

Tigil na naman. Then I focused on [the second baby]...kasi ayoko naman pa-babysit ‘yong mga bata kasi...actually, I had a chance to work for a day care [center] here. Pero sa loob ng military base. So, alam mo ‘yon? Nakita ko kung pa’no nila alagaan ‘yong mga baby dito—one person for 10 babies.

Parang kawawa naman ‘yong anak ko kung kasama lang s’ya sa maraming aalagaan. So, gusto namin ng asawa ko na ako na lang. Ako na lang mag-aalaga. So, focused naman ako doon.

Hindi pa rin sumuko si Carol sa pagsasabay ng kanyang pag-aaral at sa mga obligasyon n’ya sa kanyang pamilya. 

“And then, nag-start na lang ako ulit to really get into ‘yong RN na pre-requisite. I had to do it kasi nga I had nothing to show. Ginawa ko s’ya online, ‘yong mga pre-requisites ko kasi I need them before I can get into the actual nursing program. So, ginawa ko ‘yon mga between 2013 to 2015. I was just taking classes online. 

“And then by 2016, I did my registered nurse program,” pagpapatuloy n’ya. “I finished in 2018... which I graduated from. And then [in] 2018, nag-work na po ako [as] OR [operating room] nurse until now. And then I just finished my bachelor’s degree online. So, nakaraos din.”

Ngayon, Carol and her husband are expecting their third child. Nasa ikalimang buwan na s’ya ng kanyang pagbubuntis at nakatakda daw manganak in April next year.

Pag malalaki-laki na si Baby No.3, may level-up goal na naman si carol—to take her masteral studies!

Congrats sa lahat ng achievements mo, Carol, both sa personal man at sa career! Hat’s off kami sa’yo!

 

 

YOU MAY ALSO LIKE: 

Carol Banawa is serving as a COVID-19 frontliner in the US

Fox News picks up Carol Banawa’s story of receiving a bachelor’s degree in Nursing at the age of 39

Pika's Pick: Enzo Pineda thanks the medical frontliners for helping him and his dad survive COVID-19; says pandemic made him closer to God

COVID-19 survivor Michael V, may alay na fan art sa mga medical frontliners; nakikiusap sa publiko na “huwag natin sila hayaang matalo.”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.