Nakumbinsi namin ang aming resident columnist and critic na si Butch Francisco—The Butcher himself—to do an online show for pikapika.ph
We wanted sana na hindi Zoom format ang aming initial offering pero dahil sa paiba-ibang CQ [community quarantine] levels, we had no choice.
But for our first offering, we focused on the recent hard-luck situation ni John Regala at kung bakit ang mga malalapit na taong nagnanais tumulong sa kanya ay tila nag-a-about face gaya ng aming interviewee, ang nanay-nanayan niyang si Aster Amoyo?
Gaano nga ba siya ka-difficult na patient? Bakit siya umabot sa puntong tila walang-wala? Dapat ba siyang husgahan o kaawaan?
Ilang lang iyan sa mga masasagot sa aming diskusyon tungkol kay John Regala na mainit pa ring pinag-uusapan ngayon ng bayan.
RELATED STORIES: