This is Showbiz (Ep.11): Mga hirap at sarap ng buhay-Amerika ni Beth Tamayo

Eleven years na sa Amerika ang aktres na si Beth Tamayo. 

Hindi maganda ang naging dahilan kung bakit siya napadpad ng Amerika at may kinalaman ito sa pagkakasangkot ng pangalan niya sa mga kasong kinasangkutan ng asawang niyang Chinese businessman at that time.

Already separated with her former husband, sa New York City unang humanap ng bagong kapalaran si Beth. Aminado siyang hindi naging madali para sa kanya na lulunin ang kanyang pride nang pasukin ang pagya-yaya at pagka-cashier sa Victoria’s Secret. Bukod pa roon ay naging waitress siya sa isang sikat na restaurant doon—all these while nakikitira lang siya sa kanyang kaibigan.

Haggangg sa makahanap na siya ng office job kung saan siya pinaka-nagtagal. Pitong taon din ang ginguol niya New York City bago lumipat ng San Francisco California noong 2016.

Sa San Francisco—where she works as an executive assistant—nakilala niya ang kanyang fiancé na ngayon na si Adam Hutchinson, na ayon kay Beth ay laking Iowa pero nagta-trabaho ngayon sa Google.

In October last year nag-propose si Adam kay Beth, right after ng isang race niya (as Beth is now also a runner) niya sa Chicago. Pero natutuwa si Beth na hindi agad sila nakapag-plano ng wedding ni Adam kung hindi raw ay sakit ng ulo dahil Enero palang ng 2020 ay may Covid scare na.

But it’s definitely happening after the pandemic. Pati ang pagkaka-baby ay after the pandemic na rin. But definitely raw ay bibigyan nila soon ng kapatid si Lily (ang oversized pet niya na isang mixed breed ng St. Bernard at poodle).

That, in a nutshell, ang naging buhay ni Beth in the US. Pero para sa buong throwback kwento at life update with Beth, let’s hear it straight from the horse’s mouth by clicking the video link above.
 

MORE ‘THIS IS SHOWBIZ’ EPISODES HERE:

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.