This is Showbiz #32 — Meryll Soriano: istorya ng pagiging nanay sa isang teenager at sa isang newborn

It’s an honor for pikapika.ph’s online show This is Showbiz na mapagbiyan ng first ever interview ng multi-awarded actress na si Meryll Soriano after niyang manganak sa kanyang second baby, who is turning five months old.

 

Hindi naman kaila sa marami na naging mommy for the second time ang panganay ni Willie Revillame at Miss Becbec Soriano dahil pasimpleng ibinahagi naman niya ang tungkol dito sa kanyang Instagram account noong December 2020, when first she posted a photo of her with her dad na kahit nakatalikod sila sa camera ay halatang may hawak na sanggol ang Wowowin producer-host; at pangalawa, ay nang i-post niya ang mga paa ng kanyang baby boy. 

 

By January 1, 2021, family picture na ang ipinost ni Meryll, kasama ang “amazing” dad ng kanyang new baby, who is no other than the versatile actor ding gaya ni Meryll na si Joem Bascon. Of course, kasama sa New Year photo na iyon ang guwapong panganay ni Meme (palayaw ni Meryll) na si Eli, na mas matangkad pa sa mommy niya at 13.

 

Ani Meryll, planado nila ni Joem ang magkaroon na ng anak lalo pa’t she’s not getting any younger. In fact, ngayon palang ay pinag-uusapan na nila ang kasunod na baby dahil kung si Meryll daw ang masusunod, gusto niya ng isa pa mereseng ten hours siyang nag-labor kay Baby No. 2. Tila si Joem pa ang nagdadalawang-isip about it dahil kino-consider nito ang age ni Meryll, who is now 38.

 

At kung sakali, lalaki raw ulit ang gusto niyang third baby dahil feeling niya, mas mahirap maging mommy sa anak na babae. 

 

Besides the 10-hour labor at ang pagkakaroon ng gestational diabetes, hindi naman daw nahirapan talaga si Meryll sa panganganak through normal delivery. Batak daw kasi ang katawan niya sa exercise at yoga. Moreover, mataas daw ang pain tolerance niya. In fact, on the day that she was giving birth, dine-deadma pa niya ang contractions dahil akala niya one of those usual contractions lang na nawawala din after a few minutes. Aba’y balak pang mag-derma! Noong tumindi na ang sakit, nag-mala-pelikulang journey daw silang mag-dyowa, with her cousin Maron driving, along EDSA. Nagle-labor daw siya mula Commonwealth Quezon City hanggang Makati kung nasaan ang napili nilang ospital.

 

Besides the fact daw na mas marami ng modern tools and guides ngayon sa pregnancy at newborn parenting compared to 13 years ago, wala naman daw ipinagka-iba sa application. Pareho pa rin naman daw masakit magpa-dede. Haha! Breastfeeding advocate kasi si Meryll.

 

Malaking tulong din daw na kasama niya sa bahay ang sister niyang malapit nang maging doktora kaya lagi siyang may natatanong about medical concerns during and after pregnancy. Kung meron man daw ipinagkaiba ngayon ay meron siyang “nothing but amazing” katuwang sa buhay at si Joem yon. Napaka-hands on dad daw nito at nagagalit pa pag naunang magpalit ng diaper si Meryll dahil siya daw ang toka doon.

 

Ang sarap katsika ni Meryll dahil sagana sa detalye ang mga k’wento. For instance, sa kamias daw niya ipinaglihi noong araw ang panganay na si Eli, habang ang new baby niya ay sa kakatwang combo ng Sprite Swakto at Clover spicy beef niya ipinaglihi. At para daw fair, sa umaga daw ay siya ang kamuka ng baby at sa gabi naman ay si Joem.

 

Kaso, umaapila ang Lola Maricel Soriano nito dahil inaangkin nitong siya ang kamuka ng bata kahit hindi. Haha! Nanugod-bahay kasi si Lola Mary a few days after she gave birth. Hindi na nakatiis makita ang bago niyang apo kay Meryll; habang frustrate na frustrate naman ang Mommy ni Meme na si Becbec (sister ni Maricel) na naka-base na sa Japan ngayon kasama ang Japanese husband na si Papa Guchi at bunsong anak na si Ken.

 

Meryll’s mommy Becbec wanted to be here noong manganganak na si Meryll pero kasagsagan pa rin ng pandemic sa Pilipinas (kumpara sa ibang bansa na pahupa na). Isa pa rin naman daw ito na inip na inip nang magkaroon ng bagong apo. Akalain daw ba niyang siya pa rin pala—at hindi ang mga kapatid niya—ang magbibigay-katuparan sa wish na yon. These days, nagkakasya nalang si Lola Becbec sa video calls at constant padala ni Meme ng mga videos at pictures.

 

Napag-usapan na rin lang ang kamuka, mukang taob lahat nang umaakin dahil sa tingin ni Meryll, ang papa niyang si Willie ang kamuka ng bata. Pag tingin na pag tingin daw niya sa ospital after giving birth, Revilame’ng-Revillame daw si bagets. Mistulang sisigaw na raw agad ng “Bigyan ng jacket yan!” ang new-born apperance nito.

 

And speaking again of Willie, isa pang ikinaliligaya nang husto ni Meryll ngayon—bukod sa presence ni Joem sa buhay niya—ay ang pagiging very hands-on lolo ng kanyang Papa Wil.

 

At 60, mas lolo na daw ang demeanor nito kumpara noong  sa panganay niyang si Eli. Tawag daw ito nang tawag at inuutusan silang dalhin sa kanya ang bata. At inip na inip na raw itong maging toddler ang baby para p’wede na silang mag-rambulan na mag-lolo. Pangako naman ni Meryll, talagang lagi niyang dadalin sa Papa niya ang baby pag laki-laki nito dahil panigurado daw malikot kaya ipapasa niya sa lolo ang pag-aalaga.

 

Biro nga namin, baka ni hindi na nila mahawakan ni Joem si baby kapag natapos na ang pandemic at mag-normalize na ang buhay dahil ang daming mag-aagawan. Even ang parents ni Joem ay sabik na sabik din sa apo. Pag nga daw dumadalaw sila every now and then ay maraming pangde-delaying tactics ang mga ito para lang makapiling nang mas matagal at apo. 

 

At yon nga, not to mention, may Diamond Star pang nakiki-agaw. 

 

Ikikakasiya nang husto ni Meryll na sobrang daming napapasaya ng pagkakaroon nila ng baby ni Joem. Una na si Eli na matagal na palang may secret wish na magkaroon ng kapatid. Kaya nang sinabi daw niya ditong buntis siya ay ka higpit daw ng yakap sa kanya at nagte-thank you. Maging si Joem daw ay sarap na sarap sa pakiramdam ng pagiging ama.

 

At dagdag pa sa kaligayahan niya na bukod sa pagiging lolo mode on ng kanyang Papa Willie, humupa na rin daw ang galit-bati nilang relasyon. It comes with age. 

 

Sabi nga namin, ang ganda ng mga pangyayari sa buhay niya ngayon at isa kami sa mga masaya para sa kanya. Kitang-kita sa mukha ni Meryll ang saya at halatang very inspired siya ngayon sa pagiging mommy again.

 

In fact, dahil doon, eto’t nagbukas na rin ng bagong YouTube Channel si Meryll, ang Dear Mama Meme, which was launched earlier today (May 9) in time for Mother’s Day. Bigla kasing ang dami niyang gustong i-share sa mga mommies na gaya niya and in the process ay makabuo ng isang mommy community na nagpapasahan ng learnings along the way.

 

Initially ay ini-launch niya ito sa Instagram TV. Pero sa dami daw niyang gustong sabihin, nabibitin siya dahil 15 minutes lang daw pala ang allowed sa IG kung kaya’t ima-migrate na niya ito sa YouTube.  

 

Kaya, mommies, subscribe na kayo sa kanya.

 

Galing nga pala si Meryll sa taping ng MMK (Maalaala Mo Kaya) bago siya sumalang sa aming Zoom tsikahan. It’s the first time na tumanggap siya ng trabaho after more than a year. Ang ganda daw kasi ng story—na pang-month-long Mother’s Day presentation ng MKK—kaya di niya mahindian. Iikot daw ang story sa kanila ni Aljohn Mendoza na hindi niya tunay na anak sa story alongside tatlo pa nitong kapatid. Basta’t ang pangako ni Meryll ay “nakakaiyak” 

 

Aniya, praning na praning daw siya sa labas at nangangapa nang husto sa mga galawang lock-in na todo pa-safety protocols. But it pays to be praning naman daw lalo na’t may five-month-old baby siya.

 

Naloka rin daw siya na ang bibigat ng drama scenes. Wala daw siyang b’welong mag-reset kumbaga na after nang matagal na absence ay hataw agad dramahan. 

 

Pero mas ikinaloka niya ang effort ng pagpa-pump at pag-iipon ng gatas habang nasa taping dahil may moment daw na ayaw lumabas ng milk kaya ang sakit. And of couse, sepanx na sepanx siya sa anak.

 

But at least, alam na daw niya ngayon kung paano ang mga ganap sakaling tumanggap siya ulit. Naging learning experience din daw nila ni Joem ang three-days apart nila. Kung paano ang mga adjustments kung sakali.

 

Sa May 15 ang airing ng kanyang MMK acting comeback.

 

Ang dami pang na-cover ng aming fun tsikahan. To know more about Meryll’s new journey sa pagka-mommy ng dalawang anak na may 13 years age gap, kung mag-aartista ba ang panganay niya, plus a whole lot more comedy-induced kwentos niya, please watch the full interview by clicking the video above.

 

Happy watching!

MORE VIDEOS:

Exclusive: This is Showbiz Episode 22 (A): Darryl Yap, nangangakong “kita ang kaluluwa” ng mga artista niya sa Pornstar

Exclusive: This is Showbiz Episode 22 (B): Bare-all tsikahan with Pornstar stars Maui, Ara, Alma, at Osang

This is Showbiz #21: 2021 psychic predictions for KathNiel, AshMatt, Alden, Maine, Coco, Vice, atbp.

This is Showbiz #20: Jewel Mische at ang mala-fairy tale niyang buhay sa Michigan, USA

Exclusive: This is Showbiz #19: MMFF 2020 Best Actress Charlie Dizon, ayaw ipapanood sa parents ang movie niya

Exclusive: This is Showbiz 18: Charo Santos-Concio, ang over achiever na nahulog sa third floor ng bahay at 3 years old

FOLLOW US ONLINE: 
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.