This is Showbiz #20: Jewel Mische at ang mala-fairy tale niyang buhay sa Michigan, USA

Na-conscious nang slight si Jewel Mische nang batiin namin ni kasamang Butch Francisco ang tila lalo niyang pag-ganda.

 

“Salamat po,” nahihiyang bungad niya. “That means a lot.... I mean kasi mag-isa lang ako dito, ako nag-aalaga ng mga bata palagi, naglilinis. And then kung maganda pa din...so, meaning hindi ganu’n... hindi ngarag...Hahaha!”

 

Naka-base ngayon sa Michigan, USA ang dating aktres at StarStruck 2006 Ultimate Sweetheart na si Jewel, kapiling ang guwapo at mabait niyang asawa na si Alister Kurzer. They have two lovely daughters—Aislah, two years old; and Emrie, nine months old.

 

Hiyang daw siya sa buhay-Michigan at sa buhay may pamilya. She is actually living her dreams daw. At sino nga ba ang kokontra? Bukod sa guwapo at godly ang kanyang asawa, may stable pa itong trabaho as “designer of future cars.” In fact, naka-pundar na ito ng sariling bahay bago pa man sila nagka-kilala. Pero dahil love na love siya nito, ay binili din nito ang kina-in love-an niyang mala-castle na bahay in the middle of the woods na tinawag nilang Rosewood Castle.

 

Moreover, nagkasundo daw sila na magpu-fulltime homemaker siya na siya namang gusto niya. Noong una, akala niya raw ay kagaya ng ibang Amerikano ang asawa niya na gustong may katuwang sa finances. Pero okay lang ito na solo silang itaguyod habang siya ay naka-pokus sa mga bata at sa pangangalaga sa napaka-ganda nilang property na Rosewood Castle.

 

Sa isang Christian online site niya nakilala si Alister way back in 2012. Nag-comment lang siya sa isang post nito doon dahil nagustuhan niya raw ang mga thoughts ni Alister. Then she forgot all about it. Hanggang sa sumagot ito. And that started their daily and lengthy conversations na lumalim nang lumalim hanggang sa nagpasya itong puntahan na siya sa Pilipinas.

 

In around that same time, magtatapos naman ang kontrata ni Jewel sa ABS-CBN na siyang nilipatan niya after several years with GMA-7. Hindi raw siya sure kung ano ang tatahaking landas. But God gave him Alison kaya hindi na siya nahirapang mag-desisyon na lisanin nalang ang showbiz.

 

Kinasal sila noong 2014, in a winter-wonderland themed wedding at patuloy siyang binibiyayaan ng masaya at magaan na buhay sa Michigan. She has what you can call a charmed life. 

 

At deserve naman niya lahat yon.

 

Nauna na kasi kumbaga ang mga trials in her life. She grew up with her maternal grandparents dahil hindi naging maayos ang pagsasama ng kanyang mom and dad to the point that her dad abandoned her and her brother.

 

Ang pagsali niya sa StarStruck when she was a teen was a half-hearted decision. Mama daw niya ang may gusto noon. She decided to pursue it anyway to earn bucks so she could send herself to flying school na siyang talagang dream niya—na nagka-totoo naman.

 

Pero dahil hindi nga niya first love ang showbiz kaya marahil hindi din buo ang pagtingin niya dito. Aminado siyang she lacked focussed noong umpisa at nag-struggle daw siya nang husto dahil she never felt belonged to the industry.

 

In fact, even during her StarStruck days, wala daw siya gaanong naka-close na kasamahan. Manang-ish daw kasi siya noon at tahimik kaya madalas ay name-misinterpret siyang suplada. Ang hindi niya pagsama sa mga bonding moments ng grupo ay name-misconstrue dawn a hindi siya nakikisama. Partly, it’s true dahil hindi raw siya sanay sa bagong buhay na kinaharap niya. Even life in the city was new to her.

 

Kaya nga siguro ibinigay sa kanya ang buhay niya ngayon kung saan sa isang rural area siya ng Michigan nakatira—tahimik at idyllic. Kumbaga, e, probinsya stateside version lang. Masaya na siyang kapiling ang mga mahal sa buhay with matching namimitas ng wild and cultivated flowers on the side.

 

Pag malaki-laki na raw ang mga bata, pangarap daw niyang magkaroon ng sariling bed-and-breakfast na may flower shop on the side.

 

And all these because she decided to comment on a stranger’s musings.

 

We’re so happy for this lovely human being.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.