Surprise 50th birthday ni Michael V., successful!

Kagabi, January 9, ginanap ang sorpresang 50th belated birthday party para kay Michael V., the multi-hypenate creative gem, na kilala rin sa tawag na Bitoy.

Bitoy turned golden boy last December 17, 2019 pero dahil na rin sa taunang pag-i-spend nila ng Pasko ng pamilya niya sa Amerika ay hindi naisingit ang pagpa-party. Bukod pa roon, naging busy ang December ni Bitoy dahil naimbitahan siya, bilang influential vlogger, na maging parte ng Asian press conference ng Star Wars The Rise of Skywalker sa Japan last December 12; at pagkatapos ay naimbitahan naman silang mag-asawa as guests sa red-carpet world premiere ng same film sa Hollywood, na isang dream come true at appropriate birthday gift para sa die-hard Star Wars fan na gaya ni Bitoy. Naganap ang pakikipag-hobnob ng mag-asawa sa mga stars ng Star Wars The Rise of Skywalker sa mismong birthday ni Bitoy, December 17, kaya naman kinabukasan na siya sinurpresa ng asawa’t mga anak sa bahay nila sa California.

Pero lingid sa kaalaman niya, ay maingat na nag-prepare ng surprise party ang asawa niyang si Ayoi dahil hindi nito mapapalampas na hindi ipag-celebrate ang golden year ng kanyang butihing asawa.

Gumawa ng lihim na Facebook group si Ayoi kung saan niya inimbitahan lahat ng malalapit kay Bitoy from in and outside of showbiz. Kaya naman noong gabi ng party ay naka-grouping ang mga lamesa according sa affiliations ng mga guests kay Bitoy. May para sa pamilya at kamag-anak, may childhood to adulting friends tables, may para sa Eat Bulaga, Bubble Gang, at Pepito Manaloto, and more.

That night, ang buong akala ni Bitoy ay pupunta siya sa location ng taping ng ilang eksena ng show niyang Pepito Manaloto. At dahil kasabwat ni Ayoi ang mga taga-Pepito kaya flawless ang detalye.

May naka-monitor kung nasaan na si Bitoy at pinatay ang lahat ng ilaw para hindi makahalata ang birthday boy. Halata namang na-surpresa ang celebrant na dala pa ang pang-taping niyang backpack. Later ay inamin niyang na-surpesa talaga siya at hindi nakaramdam ng duda dahil hindi niya inakalang ipagbe-birthday party pa siya ng pamilya niya dahil masyado na ngang malayo sa date ng actual birthday niya. Thus, Ayoi and the kids pulled things off nicely! 

More or less ay isang-daang guests din ang nagdatingan sa black-and-gold/ showbiz-and-basketball themed party ni Bitoy na ginanap sa Club Lounge ng Victoria Towers na ilang hakbang lang from his home network na GMA-7. Ilan sa mga celebrity friends ni Bitoy na namataan namin doon ay sina Manilyn Reynes, Pia Magalona, mag-asawang Pia Guanio at Steeve Mago, Archie Alemania, Boy2 Quizon, Betong, Paul Salas, Direk Bert de Leon, ang BFF ni Bitoy na si Ogie Alcasid, at maging ang dating GMA-7 executive na si Wilma Galvante.

Kumpletos-rekardos ang party dahil bukod sa kantahan at sayawan, may mga pa-games pa ang birthday boy.

Si Chef Florabel Kho ang nag-catering, habang documented naman ng Nice Print Photography ang well-organized event.

Happy 50th, Michael V.!

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.