SPOTTED: A happy Julia Barretto parties with the Gutierrezes

Isang masaya at fresh na Julia Barretto ang bumulaga sa ilang piling members of the entertainment press sa party ng anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin.

Ginanap ang Coachella-themed party ni Lorin last Saturday, August 31, sa Whitespace Makati. 

In fairness, hindi umiwas o nag-excuse o nagmadali si Julia nang makita ang mga familiar faces ng mga taga-media.

Instead, very ma-PR siyang bumati, bumeso, at tsumika pa ng saglit.

Of course, nahingan siya ng birthday wish para sa birthday celebrant. 

At ang sabi niya: “Wag muna siyang magbo-boyfriend!”

Kung ang fresh, well-rested look at ang sunshiny mood ni Julia that night ang pagbabasehan, masasabing tila nga naka-move on na ito from the controversy ng nagdaang mga buwan.

Matatandaang umani ng online hate ang magandang aktres after ma-link ang pangalan niya sa hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Naparatangan siyang third wheel, mang-aagaw, ahas, at kung anu-ano pa.

Ininda niya ito. Sinagot. At ngayon ay nananahimik.

Nasa healing process na raw siya at malaki ang kinalaman ng strong support system niya kaya niya nakayanan ang lahat.

“I have a very solid and very strong support system. My family has been a big factor in the ­healing process and everyone’s moving ­forward na.” 

At this point, ang focus ni Julia ay ang magpaka-positive. At ang paglaan ng oras ang paglipat sa ipinatayong bagong bahay na malapit daw sa bahay ng Mommy Marjorie niya.

Nagpasalamat ang mga press people kay Julia dahil sa hindi ito pag-iwas sa kanila.

At ang last word ni Julia that night, “Tsika and then let’s party na.”

In that case, happy moving on!
 

YOU MAY ALSO LIKE:

Julia Barretto, healing and moving on na
Kyle Echarri shows support for Julia Barretto; “Never let the ‘talks’ bring you down.”
Julia Barretto is all prepped to move into a new home
Julia Barretto breaks her silence, fires back at Bea Alonzo, “You can play victim all you want, but I refuse to be your victim.”
Julia Barretto mutes comments on Instagram

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.