Regine sings Angel’s comeback teleserye theme song

Sa welcome presscon palang na inihanda ng ABS-CBN para sa pagbabalik ni Regine Velasquez sa Kapamilya Network (mula GMA-7) noong October 17 last year ay masaya nang ibinalita ni Asia’s Songbird na isa sa mga nakatakda niya sa ABS-CBN ay pag-awit niya ng theme song ng isa sa mga magbubukas nitong teleserye for 2019. Ngunit hindi niya pa sinabi noon kung ano, bagama’t may wild guesses na ang publiko.

 

By December last year ay na-anunsyo ni Regine lent her voice for the theme song of The General’s Daughter (TGD), ang teleseryeng magbabalik kay Angel Locsin sa primetime TV.

 

Ito ay matapos awitin ni Regine for the first time ang “Ikaw ang Aking Mahal,” na especially written din ng asawa niyang si Ogie Alcasid para sa The General’s Daughter, sa trade launch ng ABS-CBN para sa nasabing show last December.

 

Pangalawang beses niya itong inawit sa Sunday show ASAP Natin ’To last January 6, para sa special segment na dedicated sa promo ng TGD.

 

Last January 15, sa grand media conference para sa TGD, hindi nagdamot sa oras si Regine at nagpa-unlak na kantahing muli ang theme song para sa mga members of the media na dumalo sa event. Live na kinanta ni Songbird ang theme song in the presence din ng buong cast.

 

Hindi ito ang first time na kumanta si Regine ng theme song ng isang ABS-CBN teleserye. In 2011, nagprisinta siyang umawit para sa opening theme song ng My Binondo Girl—ang “Sino Ako” na sinulat din ni Ogie—dahil feeling diumano niya ay pinaglilihihan niya that time ang bida nitong si Kim Chiu.

 

Narito ang buong special number ni Regine sa TGA grand mediacon.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.