“Nora Aunor is Nora Aunor. Walang makakapantay, walang makakalampas.” — Sylvia Sanchez

Out in the open na ngayon na ang dating napabalitang proyekto ni Superstar Nora Aunor, ang feature drama film na Jesusa, ay napunta kay Sylvia Sanchez.

Hindi tuloy maiwasang maikumpara ngayon si Sylvia sa tinaguriang Ate Guy na patuloy pa ring ikinakampanya ng mga Noranians para maging national artist.

Sa presscon ng Jesusa early this week, nakiusap si Sylvia sa mga movie writers na huwag na silang pagkumparahin at all dahil ni katiting daw nang narating ng Superstar ay hindi pa niya narating.

“Gusto ko lang sabihin sa inyo dito na please wag ninyo gawin na iko-compare ako kay Ate Guy,” panawagan ni Sylvia. “Kasi ni katiting sa narating ni Ate Guy hindi ko narating ’yon.

“At Ate Guy is Ate Guy. No comparison. Irespeto natin ang Superstar dahil pinaghirapan ni Ate Guy yan. Isa ako sa rumi-respeto at humahanga kay Miss Nora Aunor, sa Superstar natin.”

Kung hindi man daw nagawa ni Ate Guy ang Jesusa, siya na raw ang magkukusa kapag nagkita sila, na lalapit at magsasabi dito na she has her respect.

“At kahit ano’ng mangyari kahit hindi niya ito nagawa, ako ang gumawa; di niya tinanggap, ako ang tumanggap… lalapit pa rin ako sa kanya at sasabihin ko na walang yabang: ‘Ikaw pa rin ang nasa top, ikaw pa rin ang nirirespeto ko, ikaw pa rin ang nag-iisang Nora Aunor.’ Walang makaka…Nora Aunor is Nora Aunor. Walang makakapantay, walang makakalampas.”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.