Nora Aunor at Coco Martin, kapwa malapit sa mga beterano ng showbiz

Noong araw pa ikinukumpara si FPJ’s Ang Probinsyano star Coco Martin kay Superstar Nora Aunor. Kapwa kasi galing sa hirap at hindi mo aakalaing magiging malalaking pangalan sa showbiz.

Kagabi ay nasaksihan ng pikapika.ph ang isa pa nilang pagkakapareho: kapwa sila malapit at magalang na nagbibigay-pugay sa mga beterano ng showbiz na nakakasalamuha nila kagabi, sa selebrasyon ng ika-100 taon ng pelikulang Pilipino na ginanap sa New Frontier Theater sa Quezon City.

Una naming na-observe ang magandang gestures ng dalawa sa loob ng Novotel Hotel sa Cubao, na nagsilbing holding area ng mga artista bago sila sunduin ng mga official cars at dalhin sa venue ng celebration.

Nakatambay at nagtsitsikahan si Coco Martin sa lobby kasama ang mga co-stars niya sa Ang Probinsyano na sina Mark Lapid, Michael de Mesa at Albert Martinez nang biglang dumating ang beteranong si Dante Rivero, nagbigay-pugay ang lahat pero si Coco ay may kasamang pagmamano sa veteran star. 

Sa loob naman ng teatro, namataan naming siyang inihatid si Dr. Bien Lumbera sa stage. Nakatungkod at mabagal na kasing maglakad ang National Artist for Literature pero pilit pa rin nitong pinupuntahan ang mga showbiz events na gaya nito.

Maging sa paglabas ng venue later on, inaalalayan pa rin ni Coco si Dr. Lumbera at inihatid sa sasakyan nitong nag-aabang sa labas ng teatro. He even made sure na hindi mauuntog sa bubong ng kotse ang matanda habang sumasakay ito.  

Ang Superstar naman na si Ate Guy ay magiliw na nakipag-kumustahan sa 82-year old na si Angie Ferro na maski naka-wheel chair ay siniguro pa ring she won’t miss the 100th-year celebration ng industriyang minahal niya. Kinumusta, niyakap, at hinalikan ng superstar ang lead star ng Lola Igna (official entry to the ongoing Pista nag Pelikulang Pilipino) bago ito sumakay sa sasakyang assigned to her.

Bakas sa mukha ng beteranang aktres ang kasiyahan na nakaniig niyang saglit si Nora Aunor.

Kudos to Cardo Dalisay and Annie Batungbakal.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.