Tuwing may major crisis ang bansa—super typhoons, earthquakes, volcanic eruptions, o anu pa man—asahang isa sa mga unang reresponde sa kapwa ay ang mga taga-showbiz. Proven na yan. Walang mintis na mag-aabot sila ng tulong. Bukod sa paghugot sa sari-sarili nilang bulsa, gagamitin din nila ang kanilang impluwensya para makahikayat din sa iba. May ibang gumugugol din ng oras at pagod at personal pang namamahagi ng tulong.
Walang halong pulitika. Walang halong pasikat.
Deadma sa puna at pasaring ng mga walang magawa. Basta’t gawa lang sila nang gawa. Tulong lang nang tulong.
Kaya bukod sa mga frontliners—mula doctors hanggang janitors—para sa amin sa pikapika, ay heroes din ang mga artistang walang-sawang nagbabahgi ng sarili nila.
At narito ang munting tribute namin sa kanila.