Ken Chan at Rita Daniela, sobrang mami-miss ang isa't-isa

Kahit one week pa bago matapos ang hit GMA afternoon drama na My Special Tatay ay meron na daw separation anxiety o sepanx ang mga bida nitong si Ken Chan at Rita Daniela. 

Dalawang beses kasing na-extend ang show kaya umabot din ng pitong buwan ang pagsasama ni Ken, Rita, at ng buong MST cast. 

According to Ken, who plays the titular "special tatay" Boyet, naiiyak na daw siya sa sobra niyang pagka-sepanx sa mga co-stars. "Hindi pa sakin nagsi-sink in talaga na matatapos na kami," pag-amin niya sa pikapika. "Pero no'ng nabasa ko na 'yong final script, sabi ko, ay. Ito na nga. Matatapos na talaga kami.

"Ang hirap, ang hirap. Dito kasi sa set ng My Special Tatay kaming cast parang pamilya talaga." 

Sobrang mami-miss naman daw ni Rita ang karakter niyang si Aubrey, na malaki ang pinagbago sa show mula sa pagiging prostitute hanggang sa naging real estate agent. Napakarami daw kasi niyang natutunan na pagganap nya dito.

"I'm very very thankful for this show. Because of this show, tumaas 'yong respeto sa mga gaya ni [Aubrey] at lalo na rin sa kagaya ni Boyet," Rita said. 

Ano naman ang mami-miss ni Ken at Rita sa isa't isa?

"Nag-post ako sa IG," nakangiting sagot ni Ken. Heto ang nasabing post: 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ken Chan (@akosikenchan) on

What about Rita? 

"Palagi kasi akong gutom, kaya mami-miss ko 'yong lagi akong may provider ng food!"

WATCH the video above for more of Ken and Rita!
 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.