Isa lang ang KathNiel (ang loveteam nina Kathryn Bernanrdo at Daniel Padilla) sa mga loveteams na pinarangalan kagabi sa New Frontier Theater under the loveteam category ng mga luminary awardees that night.
Pero sa batch nila (year 2000 onwards) ay sila lang ang sumipot at nagbigay-pahalaga sa awards’ rite. Deadma ang JaDine at LizQuen. At Bagama’t humabol si Alden Richards, ay wala naman doon ang ka-loveteam nitong si Maine Mendoza.
Kaya naman marami ang natuwa sa on-and-offscreen sweethearts dahil they made time—and even dressed accordingly.