Joey "Tsong" Marquez, bumilib sa isang kalye performer

Um-attend ng isang private party kagabi sa isa sa mga bars sa Tomas, Morato ang magaling na komedyanteng si Joey Marquez—na incidentally ay isa sa busiest actors last year having appeared in more than 10 movies—at habang nakikipagkwentuhan sa labas ng bar ay napukaw ang atensyon nito ng isang street rapper, isang kabataang lalaki na may bitbit na sariling sound system at on-the-spot na nagra-rap sa kalye kapalit ng konting limos o donasyon.

 

Lumapit si Joey, na kilala rin sa tawag na Tsong, sa bagets para panoorin at pakinggan ito ng malapitan sabay inabutan na ring nang konting halaga pagkatapos.

 

Ayon kay Joey, magaling ang bata lalo pa’t nalaman niyang sarili nitong mga komposisyon ang nina-rap nito sa kalye. Lingid sa kaalaman ng marami, mahilig magsulat ng song lyrics si Tsong at isa ito sa mga libangan niya sa ngayon. May mga piyesa rin daw siyang rap pero hindi pa raw siya handang i-share ang mga ito. Kaya hindi na nakakapagtakang mapukaw ng rapper ang atensyon ni Tsong.

 

Maya-maya pa ay lumapit din kay Tsong ang bata para kantahan siya ng isa pa at para sabihin na rin sa komendyante na siya man daw ay gusto ring magka-puwang sa showbiz. Pinayuhan ni Tsong ang bagets at sinabing sana ay haluan nito ng humor ang mga lyrics ng raps niya para mas tumatak sa mga makakarinig.

 

Nagpasalamat naman ang bata sa komedyante. Isa lang ang na-encounter ni Tsong kagabi among the many young performers na gumagala ngayon sa Timog at Morato area ng Quezon City, bitbit ang mga musical instruments nila at back story ng buhay para ilalahad sa sinumang handang makinig.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.