Jerald Napoles, taga-Viva na!

Kagabi, sa 38th anniversary party ng Viva Films sa Tektite Towers auditorium, in-announce ng party and program host na si Chad Kinis sa harap nang more than 500 Viva employees present na may bagong miyembro ang Viva family sa katauhan ni Jerald Napoles.

The impromptu announcement came after Kim Molina’s live rendition of the #Jowable OST “Maging Sino Ka Man” onstage. Bago pa matapos kumanta si Kim, umakyat si Jerald sa stage para kunwari ay mag-abot ng bulaklak—na kinuha niya sa centerpiece ng mga mesa kaya kasama pati ang mini paso—sa girlfriend.

Kinilig ang audience na napatili ng “Kiss!” Mabilis namang tumugon si Je, humalik kay Kim na sinalubong naman nito kaya halos ay smack ang naganap onstage. Bababa na sana ng stage si Je pero sinalubong siya ng emcee na si Chad Kinis at pinabalik sa gitna ng stage.

Nag-punchline si Kim tungkol sa props na bulaklak: “Beybi, wala pa man ding pirmahan, nanira ka na!”

Hindi naman nagpa-tumpik-tumpik pa si Chan Kinis at sinabing: “We’re glad to announce, of course that Jerald Napoles, is now a... for the Viva family! Welcome to Viva!”

Sinundan pa iyon ni Chad ng biro na hindi na umano siya nag-iisang “bukbukin” sa Viva. Kilala naman sina Je at Chad sa self-deprecating humor nila about their acne scars kaya agad nilang nasakyan ang hirit ng isa’t isa. Say ni Je: “Hindi talaga p’wedeng sabihin ang bok na mag-isa lang...kailangan bok...bok.”

Kim also took that moment to say an impromptu thank-you speech to her Viva bosses for the trust they’ve given her all these years.

At dahil taga-Viva na si Je, mukang nangangamoy #Jowable 2?

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.