HIGHLIGHTS: VivaCon Day 2

Hindi gaanong maulan last Sunday, August 4, 2019 kaya naman nadoble ang kapal ng mga taong nagsuguran sa World Trade Center para sa ikalawang araw ng Viva Convention.

At gaya ng sa Day 1, naging sulit naman ang buong araw na pagrampa nila sa 10am til 10pm festivity dahil busog na busog sa audio-visual pasabog ang bawa’t sulok ng event’s venue.

Ang mga booth ng iba’t-ibang sangay ng Viva ay pawang mga sinigurong inter-active at Instagrammable lahat. Patok ang mga booths ng AOmnl, PBO, Sari-Sari, Epik Studios, at and K Movies Pinoy.

May non-stop concert sa main stage ng mga viral hitmakers ng Viva Records sa pangunguna nina Katrina Velarde, Janine Teñoso, Donnalyn Bartolome, SexBomb New Gen, PPop Generation, Via Ortega, Shanne Dandan, Raphiel Shannon, Thyro ang Yumi, John Roa; at ang mga patok na bandang Benny Bunny, Feel Day, Sabu, This Band, The Juans, at ang walang kupas na Callalily.

Alongside, may nagaganap na book-signing nila Marcelo Santos III, Yassi Pressman, Sarah Lahbati, at iba pang bestseller authors ng Viva Books.

May mga naganap ding auditions for bands and singers sa ibang halls, habang may pa-fan meet naman sa iba pang areas.

Sa mga film students at afficionados naman, as well as mga nangangarap maging content producers, may hiwalay na ganap din para sa kanila sa second floor ng venue. Nag-talk tungkol sa filmmaking at scriptwriting sina Direk Jason Paul Laxamana (Just A Stranger), Paul Basinillo (Indak), Irene Villamayor (Ulan) at Marcelo Santos III (Para sa Brokenhearted). May special seminar din sa video content production ang special guest from Facebook na si Ms. Anna Rodriguez-Dela Cruz.

Kinagabihan, nagpasaya sa crowd ang malalaking stars ng Viva gaya nina Xian Lim, Cristine Reyes, Yassi Pressman, Yam Concepcion, Marco Gumabao, Anne Curtis, at Sarah Geronimo. Patok na patok din sa mga tao ang kwelang paandar nina Ai-Ai delas Alas at Andrew E.

At ang pinaka-highlight ng two-day Viva Con ay ang paggawad kina Direk Eddie Garcia at Sharon Cuneta ng first ever Viva Icon/s award. 

Kung sasariwain, si Direk Eddie ang first director ng first Viva film na P.S. I Love You, habang si Sharon naman ang nagbida dito.

Kapwa naging emotional ang biyuda ni Direk Eddie Garcia at si Megastar Sharon sa pag-tanggap nila ng special recognition na iyon ng Viva. 

Needless to say, ang first ever Viva Con was a huge success. Hindi lang ito nagsilbing pa-thank you ng Viva sa publikong tumangkilik ng kanilang mga produkto kundi isang pangako na rin to create bigger and better projects—films, TV, cable, radio, records, books, ads, digital contents, and more—in the many years to come.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.