Highlights: UNIFIED concert–worth the wait

Taong 2002 nang unang mang-krus and landas ng noon ay itinuturing ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez at ang tinaguriang Popstar Princess na si Sarah Geronimo. Ito ay sa Viva/produced na Star for A Night singing contest. Host si Regine at si Sarah ang naging eventual grand winner ng nasabing talent search.

Fourteen years old palang si Sarah noon pero kinakantaan na umano ito ni Regine, who also rose to fame through similar show na Ang Bagong Kampeon, ng superstar quality kahit wala itong imik off-cam. Humahalimaw at “sinasapian” daw kasi ang bagets singer once binigyan na ng mikropono at pinatayo sa stage. 

Mula noon ay nasubaybayan na ni Songbird ang paglago ng career ng itinuturing niyang first born at mahal na mahal na si Sarah. 

Sarah, for her part, acknowledges na “walang Sarah, kung walang Regine.” Indeed, Regine’s musical journey inspired then young Sarah to embark her own. And look at where she is now.

The inspiration and the inspired ang naging istorya ng friendship nila.

Through the years, nakapag-minor collaboration naman ang dalawa sa mga shows at concerts. But never pa talaga silang nag-major concert na sila lang. Kaya naman super worth para sa mga fans nilang dalawa ang 18 years na pag-aantay para mapanood sila performing on the same stage for two hours of non-stop world-class vocal calisthenics. 

Naganap ang historic collab, ang UNIFIED concert, last February 14 and 15, and both nights ay kapwa na-sold out.

The whole concert is perfection—from musical arrangements to costumes to choreography to stage set up. Pero syempre, ang talagang priceless doon ay ang standing-ovation worthy performances ng dalawa, mapa-solo man o duet. 

Hindi lang worth the wait ang Unified. Worth every cents din.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.