HIGHLIGHTS: Barbie Imperial turns 21!

Kagabi, August 1, ay masayang nag-celebrate ng kanyang ika-21st birthday ang itinuturing na buhay na manikang si Barbie Imperial sa piling ng mga malalapit na kaibigan from in and outside of showbiz. Ginanap ang simple pero hyper na party ni Barbie sa Tipsy Pig in Timog, Quezon City.

Walang masyadong pa-andar ang party ni Barbie pero ang saya-saya ng lahat at tila may inside joke pa between Barbie and her friends na tinitukso siyang Jolly Bie.

Naroon din ang Albay-based mom ni Barbie na si Mommy Bing na bahagyang nagsalita sa mic at sinabing ang birthday wish niya para sa kanyang pretty daughter ay magpatuloy lang daw sana ang magandang career nito.

Walang masyadong celebrities kaming namataan maliban sa pinsan ni Barbie na si Marco Gumabao (na Imperial ang middle name) at ang ABS-CBN Business Unit Head na si Ruel Bayani, whose team handled Araw-Gabi, ang very successful teleseryeng nagpasikat kay Barbie at sa loveteam nila ni JM de Guzman.

Barbie will soon be seen in the digital movie, Taiwan That I Love, on iWant.

YOU MAY ALSO LIKE:

Barbie Imperial’s hike to Mt. Batolusong lead to self-discovery

#JuanBie answers Fan Questions!

Barbie and JM play Pikapika’s BFF Challenge!

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.