GOOD VIBES: Patrick Garcia & daughter Michelle do the #InMyFeelings challenge

GOOD VIBES: Patrick Garcia & daughter Michelle do the #InMyFeelings challenge

Cute na cute ang mag-amang Patrick Garcia at Michelle sa video post ni Patrick kamakailan sa Instagram kung saan nagpakitang-gilas sila sa pag-e-execute ng #InMyFeelingsChallenge o mas kilala sa hashtag o tawag na #KikiChallenge.

Ang #KikiChallenge ay isang viral dance craze among the Netizens na pinauso ng Instagram comedian na si Shiggy na siyang umimbento ng steps nito saliw sa sikat na single na “In My Feelings” ng Candian singer-rapper na si Drake.

Sa paunang video post ni Shiggy ay ipinakita niyang sumasayaw siya sa gitna ng daan. Pero kalaunan ay dinagdagan ito ng twist ng iba pang mga nag-post at ginawa ng nagsasayaw sila sa daan after nilang bumaba sa umaandar pang sasakyan at tila pa-selfie na kinukuhanan nila ang sarili habang nagsasayaw at kita sa foreground ng video ang sasakyan.

Ayon sa caption ng former child star na si Patrick sa kanyang post, dance partner daw niya for life ang 5-year old na si Michelle, na mahilig daw talagang magsayaw.

Bukod kay Michelle, may dalawa pa siyang anak na babae sa asawang si Nikka, sina Patrice, 2; and Pia, 1.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.