Gonzaga Sisters’ laglagan blues

Sa grand media banquet na ginanap kamakailan para sa pelikulang Mary, Marry Me na official entry ng Ten17 at Tin Can Productions sa upcoming December 25 Metro Manila Film Festival, hindi naiwasang matanong ang mga bidang sina Toni at Alex Gonzaga tungkol sa off-cam life nila bilang magkapatid. Tungkol din kasi sa magkapatid ang istorya ng Mary, Marry Me.

 

At dahil producer din si Toni ng pelikula through her newly-founded TinCan Productions kaya iba ang pag-aaligaga niya sa movie kumpara kay Alex. Sa puntong ito na nagkaroon ng chance si Alex na ilaglag ang ate niya. Aminado si Toni—or Celestine Gonzaga—na tensyonado siyang first-time producer at sounding board niya ang taklesang kapatid na openly inilalahad sa mga tao ang hindi masabi ng ate niya.

 

Inisa-isa rin ng magkapatid ang mga bagay na ayaw nila sa isa’t isa pero layer in ay may bawi naman dahil kung paano nila nilaglag ang isa’t isa ay gano’n din naman ang paglahad nila ng mga endearing qualities ng bawa’t isa.

 

Heto ang k’welang laglagan na yon ng Gonzaga Sisters:

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.