Full movie: Gaano Kadalas ang Minsan—mabigat ang tema pero masarap balikan

Hindi na nakapagtatakang naging box-office hit ang Gaano Kadalas ang Minsan ng taong ’yon (1982) at naghakot ng awards the following year. Naging word of mouth kasi ang malakasang dramahan ng pelikula; plus, may captive audience na ang Vilma-Dindo tandem after ng kanilang Langis at Tubig noong 1980. Ang maybe also because napakalakas ding maghatak ng theme song (which inspired the film) na inawit originally ni Basil Valdes.

Photos: Video48 / Viva Films YouTube Channel

Hindi na nakapagtatakang naging box-office hit ang Gaano Kadalas ang Minsan ng taong ’yon (1982) at naghakot ng awards the following year. Naging word of mouth kasi ang malakasang dramahan ng pelikula; plus, may captive audience na ang Vilma-Dindo tandem after ng kanilang Langis at Tubig noong 1980. Ang maybe also because napakalakas ding maghatak ng theme song (which inspired the film) na inawit originally ni Basil Valdes.

Isa na marahil sa most unforgettable movies na na-produce ng Viva Films ang Gaano Kadalas ang Minsan, dahil casting palang, maglalaway ka na. Mula bida hanggang support, walang aksaya

Ang 1982 classic na ito ay isa lang sa maraming pinagtambalan ng Star for All Seasons na si Vilma Santos at ni late great actor Dindo Fernando. Oozing with chemistry din kasi ang dalawang ito at talaga namang pag nag-dramahan na, hindi p’wedeng hindi ka ma-apektuhan.

And speaking of drama, buong pelikula ay punong-puno nito.

Sisimulan ang istorya sa pagpapakita ng isang batang tsine-chekup ng doctor, si Alvin, anak ni Lily (Vilma Santos) sa pagkadalaga na may terminal illness. Wala itong bukambibig kundi ang makita ang ama na kunwari ay nasa ibang bansa.

Maso-solve ang problema ni Lily sa pagbibigay ng “ama” kay Alvin—(na ginanpanan ng napakahusay na child actor na si Mark Joseph Enriquez na sa pagkakatanda namin ay younger brother ng aktres na si Laarni Enriquez, nanay ni Jake Ejercito)—nang alukin siya ng best friend niyang si Elsa (Hilda Koronel) na ipahiram ang asawang si Louie (Dindo Fernando) in the guise na para mapasaya umano ang kanyang inaanak bago manlang bawian ng buhay.

Ang catch, may ulterior motive siya na paglapitin sina Louie at Lily at nang sa gayon ay magka-anak ang dalawa at saka niya aangkinin. Bago kasi si Elsa at desperadang magka-anak at ito ang mnaisip niyang paraan, not considering the possible consequences.

At natupad nga ang plano niyang magkalapit ang kanyang asawa at best friend. Pero mababawi pa ba niya si Louie? At kung magka-anak man ay ibibigay ba sa kanya?

Medyo manipis ang istorya sa parteng iyon.

Very soap operang pinahaba na uma-absurd na kung minsan. Pero hindi mo ito mapapansin habang nanonood ka dahil napaka-huhusay ng mga artista. Wala kang choice kundi madala lang at ma-affect sa mga conflicts nila.

As we’ve said, pati support, wala kang itutulak-kabigin. May Gloria Romero ka (as Elsa’s protesting mom), may Tommy Abuel (as Alvin doctor and Lily’s suitor), may Chanda Romero at Ronaldo Valdez (as a couple na kaibigan ni Lily), at may Suzane Gonzalez pa (ang very involved na yaya ni Alvin). Ang husay na aktres nito. Wonder where she is now?

(Just as an aside, nasaan na din kaya ang gumanap na Alvin? Bakit kaya hindi siya nagtuloy mag-artista noong 80s samantalagang napaka-promosing niya dito? And he probably would’ve grown up as a matinee idol material.)

Anyway, hindi na nakapagtatakang naging box-office hit ang Gaano Kadalas ang Minsan ng taong ’yon (1982) at naghakot ng awards the following year. Naging word of mouth nga kasi ang malakasang dramahan ng pelikula; plus, may captive audience na Vilma-Dindo tandem after ng kanilang Langis at Tubig noong 198o. Ang maybe also because napakalakas ding maghatak ng theme song (which inspired the film) na inawit originally ni Basil Valdes.

You now have a chance to travel back in time at maki-80s drama mode muna sa Gaano Kadalas ang Minsan by visiting the Viva Films YouTube Channel or by clicking the free Viva movie link below:

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.