FAREWELL TITA MIDZ: A musical tribute for dear Armida Siguion-Reyna

Nagluksa ang buong movie industry sa pagpanaw ng beteranang singer-actress, film producer, at former MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) Chief na si Armida Siguion-Reyna. 

February 11, 2019 nang kumpirmahin ng pamilya niya na binawian na nga ng buhay ang kinikilalang alagad ng sining after her bout with colon cancer. She was 88. Kinabukasan, February 12, agad siyang kinremeyt at kinagabihan din ay pinasimulan na ang gabi-gabing lamay sa Heritage Park sa Taguig na umabot hanggang February 15. After ng isang pribadong necrological services noong Sabado, February 16, hinatid na ang tinagurian sa showbiz na Tita Midz sa kanyang huling hantungan.

Halos gabi-gabi ay may nagsipaghandog ng awitin bilang tribute para sa itinuturing na unang nagtaguyod ng OPM (Original Pilipino Music). Pero mas maraming nag-presenta noong huling gabi ng lamay. In fact, nagsilbi ang gabing iyon na reunion nga mga singers na naging bahagi ng iconic musical show Aawitan Kita, produced and hosted by Armida mismo from 1977 to 1997.

Ilan sa mga nagsi-awit noong gabing ’yon ang mga apo ni Tita Midz na sina Rafa Siguion Reyna at Cris Villonco na kapwa theater actors; mga theater actors din na sina Aya Laurel at Arman Ferrer, ang mag-asawang Robert Seña at Isay Alvarez, ang mga suking guests ni Tita Midz noon na sina Robert Arevalo at Bimbo Cerrudo, ang kapatid niyang music diva and professor na si Irma Potenciano, at ang sopranong si Rachelle Gerodias; habang nagbigay-pugay naman sa piano ang batikang pianist na si Raul Sunico.

Nagbigay din ng mensahe si National Artist for Literature Bienvenido Lumbera para sa dating kasa-kasama niyang nikikipaglaban para sa freedom of expression ng mga alagad ng sining.

Bukod sa mga naghandog ng awit, wala ring patid ang dating ng mga kasama ni Tita Midz sa industriya para makisali sa pag-alaala sa huling gabi niya. Isa na rito ay ang sorpresang pagbisita ng dating nakaalitan niyang si Manoling Morato na dati ring MTRCB Chairman. 

Namataan din ng pikapika.ph doon ang half-brother ni Tita Midz na si Juan Ponce Enrile, former senator Loi Ejercito, Senator Grace Poe, Irene Marcos-Araneta, Star Cinema bosses Malou Santos and Direk Olive Lamasan, Directors Joel Lamangan and Mel Chionglo, ang mag-asawang Ice Seguerra at Liza Diño, June Torrejon ng Viva Films, TV director Dominic Zapata, and actor Ryan Eigenmann.

Sa mga naunang gabi, nakiramay naman si former President Joseph Estrada, under whose term ay nanungkulan si Tita Midz bilang MTRCB Chair; si Ma’am Charo Santos Concio ng ABS-CBN, mag-asawang Tirso at Lynn Cruz, singer Dulce, and actress Jackie Lou Blanco.

Mula sa amin, salamat po, Tita Midz.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.