Exclusive: This is Showbiz Episode 22 (A): Darryl Yap, nangangakong “kita ang kaluluwa” ng mga artista niya sa Pornstar

Darryl Yap’s second full-length movie, Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar, was born daw out of his fixation to work with one of his favorite local stars na si Rosanna Roces.

“When I was doing #Jowable, they [Viva] asked me if sino daw gusto kong maging nanay ni Kim Molina [sa movie]? Then I said I want Rosanna Roces...” panimulang k’wento ng mataba-ang-utak na writer-director from Zambales.

“I want several actresses pa, I gave names but at that time, I think Viva was just testing the waters. Titingnan nila kung kikita ba, may k’wenta ba akong tao? Ganu’n. So they didn’t give me Rosanna. I don’t know why. So, sabi ko, ‘Okay, next time na.’ 

“So, when Kim Molina did Ang Babaeng Walang Pakiramdam, sabi ko it would be a perfect fit if ang nanay ni Kim Molina, would be Ang Babaeng Walang Pahinga [Curacha]. So, I said that to myself. I asked Viva again for me to work with Osang...”

Nagkataon na may pamangkin siyang naka-trabaho sa isang production si Maui Taylor at kinuwentuhan daw siya nito na kalog ang aktres.

Right then and there, nabuo ang isang idea.

“Sabi ko gawa kaya ako ng mga tungkol sa sexy stars? E, kasi ako I know them as good actresses like Ara [Mina], Alma [Moreno]...Alma with Angel na Walang Langit I was super moved. [TV] series pa ’yon. Of course, Ara’s acting especially sa [Kahapon May] Dalawang Bata and Rossana, of course, I’m always in love with Chito Roño and with her. 

“Ara and Maui [are taga-] Viva naman. So, sabi ko gagawa ako tapos iniisip ko ano’ng magiging concept? Kung nasaan na sila ngayon? May papalit ba sa kanila? So for me as writer-director—I don’t wanna be a spoiler pero pag napanood ninyo ’yong film, lalabas ’yong nasa isip ko nawalang papalit sa apat. Ganu’n ’yong tingin ko.”

Kung dati ay hirap siyang makuha si Osang, this time, walang kakyemehang tinanggap nito ang project at may bonus pa siyang Ara Mina, Maui Taylor, at Alma Moreno.

Sa tingin niya, sabik din ang apat na gumawa ng chill at “crazy-crazy lang” na proyekto.

At sa sobrang chill nila sa set, may mga eksena raw sa movie na hinayaan lang niyang mag-throwback ang apat na diyosa tungkol sa mga naging karanasan nila sa pagpapa-sexy during their kani-kanilang era. Tutal they are playing as themselves. Naging mala-reality show daw tuloy at naging natural na natural ang batuhan ng linya.

“There are portions of the script na ang nakasulat lang doon: ‘Discuss your experience.’ So, meron kayong mapapanood doon na k’wento ni Ara na tumakbo s’ya sa water dam...imagine dini-discuss ni Maui lumulutang daw ’yong dede niya, ganu’n daw talaga pag hindi totoo... so, nagugulat kaming lahat! 

“Wala akong dinikta doon na kahit ano. Talagang sobrang ganda nu’ng batuhan nila ng linya—from kamison ni Alma Moreno, nalipat sa ganyan, hanggang sa [napunta sa] habang naghahalikan si Rica Peralejo at si Maui [sa pelikulang Hibla], may dumaan na ahas...

“Sobrang malalaman ng mga manood—lalo na mga nasa 90’s noon—na ito pala ang nangyari sa shooting nila noon. So, nakakatawa talaga siya na sila lang nag-input noon.” 

Nag-bare all raw talaga ang apat na bida kaya mapapangako niyang hindi lang kaseksihan ang makikita sa pelikula kundi even their “kaluluwa.”

“Napaka-mapagbigay, napaka-generous nilang apat,” papuri ni Darryl sa mga dating pinapanood lang niya sa sine. “They gave more what is expected and nagbigay sila higit pa sa ibinayad sa kanila. So, sulit na sulit.”

Ang k’wento ng Pornstar ay iikot sa apat na former sex goddesses of cinema na tatanggap ng trabahong magte-train ng new generation of porn stars [bravely played by lovely newbies AJ Raval, Ana Jalandoni, and Rose Van Ginkel].

Ayon sa malilikot na brain cells ni Direk Darryl, may nakatagong k’wento sa bawa’t hubad na katawan. At ’yon ang gusto niyang lumabas sa pelikula.

“Di ba, especially pag hard-core [porn], pinapakita na lahat—kasingit-singitan, kagilid-giliran mo—pero ano ang natatago sa porn? Ano ang nakatago? ’Yong k’wento kung bakit sila nag-sex nang ganu’n... kung sino sila.

“And for me, para mailabas ’yong kalidad nu’ng pag arte ng isang porn star kailangan natin ng mga sexy stars na magagaling umarte at itong apat na ito may mga patunay...may mga awards ’to. So, ’yon ang contribution nila. Paano magle-level up ang Pilipinas sa porn industry? Kung ang mga porn stars natin, e mga premyadong mga actress ang magte-train. ’Yon ’yong naging dream ko na hindi ka lang basta hahalinghing, hindi ka lang basta uungol... kailangan pang-Urian [awards] ’yong ungol mo. Parang ganu’n ang dating niyan. 

“So, they gave it. Like what I’ve said, sobrang hindi naman sila umarte...you can see their souls, e. I mean ang pinag-uusapan kasi dito ’yong karanasan nila. So, hindi talaga sila masyadong umarte. 

“Kung noon pa ang nakikita katawan [nila], here their souls talaga... on how they talk and on how they handle their work with their family on the side... like Maui is a very dedicated home maker, Ara is very prolific business woman, of course public services by Mama Ness...”

Pero title palang ng pelikula, ang ingay na. Eto nga’t kahit pilit bumabangon ang movie industry from the pandemic ay nakatawag-pansin pa rin ito sa MTRCB, which gave it an X rating. 

Kaya ang next na tanong namin sa palabang writer-director ay kung paano niya itatawid ang pelikula gayung kahit mismong mga komedyante ay aminadong hirap magpatawa sa panahong ito dahil ito ay panahon ng mga “woke”, mga politically correct, at matatalinong nilalang na paniguradong papalag sa istilo at tema ng kanyang piyesa.

“This people na very politically correct, the woke ones, they are my market. So, I don’t think I have to skip them,” say ni Darryl na favorite ng mga bashers. “Para sa kanila ito. Alam n’yo mas nanood ang taong galit.” 

So, you’re making movies precisely to annoy them?

“No. To give them discomfort. I guess that’s what the industry needs. You know, many directors, many filmmakers always say na they are giving new... ‘May bago kami.’ I guess their new is not new enough,” mapanghamong dagdag niya. 

“What I’m doing is a little scary, what I’m doing is very risky, but at the same time this is the real new. Because no one tackles this. They’re always being bounded by the morality clauses...you know. You just have to have courage and these people [the bashers], they are the promotion actually. They don’t know [it] but they are the ones who actually gave me four million followers. They are actually the ones who gave me ads. So, I’m very thankful. So, hindi ko sila ii-skip.”

Ang Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar ay ang maiden offering ng Vivamax, ang streaming services ng Viva Films. It starts screening there starting January 29.

(To know how to subscribe to Vivamax, please visit their Instagram page: @vivamaxph.)

WATCH MORE THIS IS SHOWBIZ EPISODES HERE:
 

 

Exclusive: This is Showbiz Episode 22 (A): Darryl Yap, nangangakong “kita ang kaluluwa” ng mga artista niya sa Pornstar

Exclusive: This is Showbiz Episode 22 (B): Bare-all tsikahan with Pornstar stars Maui, Ara, Alma, at Osang

This is Showbiz #21: 2021 psychic predictions for KathNiel, AshMatt, Alden, Maine, Coco, Vice, atbp.

This is Showbiz #20: Jewel Mische at ang mala-fairy tale niyang buhay sa Michigan, USA

Exclusive: This is Showbiz #19: MMFF 2020 Best Actress Charlie Dizon, ayaw ipapanood sa parents ang movie niya

Exclusive: This is Showbiz 18: Charo Santos-Concio, ang over achiever na nahulog sa third floor ng bahay at 3 years old

FOLLOW US ONLINE: 
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.