EXCLUSIVE: This is Showbiz #27: Lalim ng friendship ng Beks Battalion, di kayang sukatin

Si Chad Kinis pala ang brains behind Beks Battalion—mula sa idea na bumuo sila ng YouTube Channel, hanggang sa pangalan ng grupo, hanggang sa pagsasa-sama nila sa isang bahay para mas maging productive vloggers sila.

 

Si Chad daw, the bunso among the three, ang may pinaka-brilliant mind at tipong hindi natutulog dahil giling nang giling ang utak according sa mga “kuya” niyang sina MC Muah at Lassy.

 

At tama naman ang lahat ng naging instinct ni Chad dahil nang tumagal nga ang lockdown, mas nakapag-produce sila ng contents para sa Beks Battalion vlog na ngayon ay may 1.36 Million followers na sa YouTube at consistent sa paghatak ng hundred thousand to millions of views.

 

Ang YouTube na ang tila naging bagong comedy bars nila kung saan nila nailalabas ang noon ay pang-gabi-gabi nilang creative juices sa pagpapatawa. 

 

Dahil dito ay nagka- off-shoot group pa nga na Beks Friends, na may YouTube Channel din para naman sa iba pa nilang kaibigang bading na na-displace din sa pagsasara ng mga comedy bars.

 

Sa comedy bars palang ay magkaka-ibigan na ang tatlo. With MC and Lassy being more senior at may matatag ng tandem—na napakinabangan na rin sa TV and movie projects at pati na rin sa maraming shows abroad—minentor nila si Chad na kinakitaan nga nila ng kakaibang talino.

 

Pinakilala pa nila ito kay Vice Ganda at naisama sa pool of comic writers ni Vice for his daily shows and concerts.

 

At dahil sa pandemic at sa pagsasama-sama nila sa iisang bahay, mas lumalim pa ang friendship nila to the point na nangako na silang hindi mag-iiwanan at magsasama-sama pa rin sa isang lugar kahit may kanya-kanyang partners na. Peg daw nila ang friendship ng Golden Girls na magkakasama hanggang pagtanda.

 

Yon ay bagama’t may kanya-kanya rin namang silang bahay (o condo). Kahit daw mnatapos na ang pandemic ay hindi na nila iiwan ang BB House dahil pamilya na rin talaga ang turingan nila.

 

So far, except sa mga pranks nila sa isa’t isa, ay wala pa raw nagihging matinding away ang tatlo. Wala raw kasing madamot o mapang-lamang sa kanila at lahat ay matalas ang pakiramdam sa mga boundaries na hindi dapat saklawan.

 

Para sa amin ay enviable ang setup nilang magkakasama at laging masaya. Kung may mga panahong “broken” ang isa sa kanila ay agad ring naka-alalay ang dalawa. 

 

Samahan n’yo kaming mas kilalanin pa sina MC, Lassy at Chad through this special heart-to-heart  interview, kung saan binalikan naming ang kanilang kabataan, mga kasiyahan at kalungkutan, hanggang sa kanilang individual at collective na pagtatagumpay sa buhay.

 

Of course, dahil sila ang Beks Battalion, we promise you a good laugh dahil kahit seryoso ang topic ay kaya nilang haluan ng Beks-Battalion trademark na katatawan.

 

To watch the full This is Showbiz Beks Battalion episode, kindly click on the video link above.

 

PS: Paki-abangan din ang BONUS tsikahan namin sa tatlo kung saan, naglaglagan at nag-aminan sila nang bongga!

WATCH PART 2: 

MORE ‘THIS IS SHOWBIZ’ EPISODES HERE:

Exclusive: This is Showbiz Episode 22 (A): Darryl Yap, nangangakong “kita ang kaluluwa” ng mga artista niya sa Pornstar

Exclusive: This is Showbiz Episode 22 (B): Bare-all tsikahan with Pornstar stars Maui, Ara, Alma, at Osang

This is Showbiz #21: 2021 psychic predictions for KathNiel, AshMatt, Alden, Maine, Coco, Vice, atbp.

This is Showbiz #20: Jewel Mische at ang mala-fairy tale niyang buhay sa Michigan, USA

Exclusive: This is Showbiz #19: MMFF 2020 Best Actress Charlie Dizon, ayaw ipapanood sa parents ang movie niya

Exclusive: This is Showbiz 18: Charo Santos-Concio, ang over achiever na nahulog sa third floor ng bahay at 3 years old

FOLLOW US ONLINE: 
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.