Exclusive: This is Showbiz #19: MMFF 2020 Best Actress Charlie Dizon, ayaw ipapanood sa parents ang movie niya

Nakagawian na raw ng pamilya nina Charlie Dizon na manood ng mga MMFF entries kapag Pasko. Gaya ng karamihan ng mga Pinoys, bonding din daw ng pamilya nila ang mag-mall at mag-sine sa araw na Pasko dahil wala namang ibang gagagawin. Ang mga pelikulang tumatak sa kanya noong bata pa siya ay ang Mano Po series ng Regal Films at Feng Shui ni Kris Aquino.

Walang showbiz lineage si Charlie pero fan girl at heart siya—actually sila ng tatlo pa niyang ate. She vividly remembers na pinuntahan pa nilala sa isang mall show si Richard Gutierrez (Mulawin days) at success ang pagpapa-picture nila dito. 

Kaya naman relate na relate siya sa mall show scene din niya sa pinagbidahan niyang film fest entry na Fan Girl kung saan nagtiti-tili siya  (as Jane) from the audience gallery habang nasa stage ang idolo niyang si Paulo Avelino (who plays a fictional version of himself).

She also remembers acting in front of the mirror, kagaya rin ng ibang mga bata na nangarap mag-artista. At kapag nahuhuli siyan ng nanay niya ay sinasabihan siyang “para kang tanga.” Not in a mean way. It’s just that hindi niya nakita ang lalim ng pagka-hilig ng anak sa acting.

Kaya naman among sa kanilang magkakapatid, bukod tanging siya lang ang hindi naka-move sa pagkahilig sa showbiz. In fact, lumevel up pa nga siya kahit hindi feel ng mga magulang niya ang ginagawa niya. Traditional daw kasi ang parents niya—especially her strict mom—at ang tanging pangarap sa mga anak ay makatapos at magtrabaho ng ayon sa kursong pinili.

But she just went ahead treading her own path. Una niyang sinubok ang mag-audition para mag-training at maging K-Pop artist. Nakapasa naman siya pero naunsiyami gawa ng mga technicalities sa POEA. Heartbroken daw siya non. Pero dahil ayaw mapahiya, she went on to enroll sa Star Magic workshop na siyang nagbigay-daan para tuluyan siyang maging legit aktingera.

Dahil baguhan, bitbit pa rin niya ang pagiging fan girl. She took advantages of those chances na makapagpa-picture sa mga crushes at idols niya. In fact, nagpa-picture ulit siya kay Richard Gutierrez na ma-meet niya daw ito sa Star Magic Ball. At isa din sa madalas niyang mahingan ng selfie ay si Paulo Avelino.

Past forward to today at leading man na niya ang aktor sa pelikulang naka-sentro sa kanya, ang Fan Girl. The same movie gave her her first acting trophy at best actress lang naman.

Tinalo lang naman niya ang idol ng nanay niyang si Nora Aunor at ang idol niyang si Iza Calzado. 

She’s really good in the movie. Far better than Paulo, if I may say so. Mas complex ang character niya kung tutuusin at she delivered with flying colors. 

In fact, sa sobrang complex, ayaw niyang ipapanood sa parents niya—lalo na sa mom niya—ang pelikula. Baka daw hindi kayanin ng mga ito ang mga makikitang pinag-gagawa niya doon. Bukod sa kakaibang love scene, marami pang ibang mapangahas na eksenang buong-tapang na itinawid ni Charlie. 

Pero yon nga. Kung buo ang loob niya habang sinu-shoot ang pelikula, she cannot say the same when it comes to the point na yayaing manood ang mga magulang niya na very naïve umano sa mga galawang showbiz at acting. Maski daw ang mga ate niyang nakapanood na ay sina-suggest din na harangin ang panonood ng kanilang parents at baka umano ma-shock ang mga ito.

Needless to say, Charlie gave her all in this film. At aminado siyang pangarap niya talagang magka-acting award. Sinong artista ba naman ang hindi? She just didn’t know she’d have it this early in her life (she’s only 24) and in her career.

But the girl looks like she’s really destined for bigger things. Una, napukaw niya ang atensyon ni Ma’am Charo [Santos] na na-challenge palitan ang name niya (from April Matienzo to Charlie Dizon). Pangalawa ay nang mag-marka siya kay Iza Calzado na minsan lang niyang nakasama. Iza was the who told Direk Antoinette Jadaone to invite her to audition for the role of fan girl Jane. 

At ngayon, ang first lead role niya sa kauna-unahan niyang filmfest experience ay nagbigay pa sa kanya ng kauna-unahan din niyang acting trophy.

We’re very sure na malayo pa ang mararating ng batang ito. Sana lang ay wag magbago. Sana, gaya ng idolo niyang si Iza Calzado, masarap pa rin siyang kausap at hindi matipid sumagot kahit malaking-malaking artista na siya. Sana hindi maging de-kahon ang mga sasabihin niya in the future. Sana ma-retain niya ang warmth at pagiging totoo.

Get to know Charlie Dizon more, this fan-girl-turned-best-actress, by watching the full interview video above.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.