Exclusive: This is Showbiz 18: Charo Santos-Concio, ang over achiever na nahulog sa third floor ng bahay at 3 years old

Nalaglag ang panga namin nang kumpirmahin ni Ma’am Charo Santos-Concio ang throwback story na itinanong ni kasamang Butch Francisco tungkol sa isang batang nahulog sa pasimano ng bintana ng bahay nila sa Calapan, Mindoro.

 

Siya nga raw ang batang ’yon at three years old siya nang maganap ang aksidenteng iyon.

 

Pero mas nag-jawdrop kami nang sabihin niyang ang bintana ay nasa third floor ng kanilang bahay!

 

But miraculously, she survived the fall and unscathed at that! Marahil, ’yon ang sinasabi ng mga matatanda na sinalo or niligtas ng guardian angel.

 

Ayon sa k’wento sa kanya ng kanyang mama, buti nalang daw at may hawak siyang unan noon at bumagsak siya na salo-salo ng unan. Moreover, nasalo din siya ng lush bougainvillea na nakapalibot sa bahay nila. 

 

We couldn’t help but picture it in our mind. Pero mas naging visually stunning siya in our head nang 

i-k’wento niyang pinalibutan daw siya ng mga alaga nilang pabo (turkeys) na nagulat yata sa pagkalaglag niya kaya nagsipag-kwak-kwak-an.

 

Diba, ang gandang eksena noon para sa sarili niyang show na MMK (Maalaala Mo Kaya)?

 

Tapos magpe-fade into another scene at ipapakitang ang batang nahulog sa pasamano ay president na at CEO (Chief Executive Officer) ng ABS-CBN.

 

After kasi ng event na ’yon ay sinundan na ito ng mga series of fortunate events. A fashion designer (Rikki Jimenez), who was just vacationing in Mindoro, knocked on their doors para alamin kung ang guwapong batang naispatan niya ay may kapatid na magandang babae. That paved the way for her joining beauty contests at nang mas mahasa na, she joined the prestigious Miss Baron Travel Girl.

 

After manalo doon, she got a call from no less than director Lino Brocka, na napanood siya at nagandahan sa kanya. The late great director then convinced her to try auditioning for Mike de Leon’s full-length debut, Itim.

 

S’yempre, kinilig siya. Thesis lang naman niya sa college tungkol sa obra ni Direk Lino na Maynila: Sa mga Kuko ng Liwanag na si Direk Mike naman ang cinematographer.

Needless to say, she got the lead role and immediately won the Asian Best Actress award at the Asian Film Festival.

 

Pero dahil forte din niya ang film and TV production, she was tapped by the Experimental Cinema of the Philippines to produce what are now priceless Pinoy film classics na Himala at Oro, Plata, Mata. And she was just in her early twenties then.

 

She produced movies under her Vision Films, too. Then joined Regal Films for a while before coming to ABS-CBN, where she moved up the ranks hanggang maging fifth president ng nasabing media giant.

 

As a side story, dati ring nakipila sa labas ng ABS-CBN studio si Ma’am Charo, not to enter a pa-contest kundi para maging part ng audience. Fan girl daw kasi talaga siya. But she wasn’t able to get in until mag-practicum na siya at manghang-mangha daw siyang makita up-close ang mga facilities sa loob, lalo na noong nakikita na niya in person ang mga personalidad na napapanood sa TV at napapakinggan sa radyo. 

 

Aba, akalain mo bang she would someday head this company pala?

 

Buti nalang at nag-quit siya sa nursing. She realized it early on na hindi iyon ang calling niya. May ibang purpose pala siya sa buhay. At yon, ayon sa analysis ni Butch Francisco, ito ay para magbukas ng pinto sa mga nangangarap mapabilang sa industriya ng entertainment.

Not bad for a kid na minsang nalaglag sa bintana.

 

Panoorin ang buong two-part interview ng This is Showbiz kay Ma’am Charo Santos-Concio by clicking the video above.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.