Exclusive: This is Showbiz #16: Kris Bernal on hindi siya inggrata, “coldness” nila ni Aljur, kasalan 2021, atbp.

Thirteen years sa GMA-7 Artist Center ang StarStruck Season 4 graduate na si Kris Bernal. But when her management contract with them expired, Kris decided to explore other options.

At dahil doon, naparatangan siyang inggrata ng mga bashers.

But for someone who wants to spread her wings further at makakilala ng mga bagong tao, kailangan niyang gawin ito.

“Actually hindi ko naman po sila iniwan,” paliwanag ni Kris. It’s just na nawalan lang po talaga ako ng exclusive contract so gin-rab ko lang din opportunities na pumapasok ngayon kasi hindi naman madaling magkaroon ng trabaho ngayon. Gusto ko lang magtrabaho kasi ang haba nu’ng quarantine [period].

“Gusto ko lang i-clear na...nakakatanggap kasi ako ng comments na alam mo ’yon parang wala daw akong utang na loob o inggrata daw ako. Parang ganu’n. Masyado naman...

“Hindi naman ibig sabihin na umalis ako o lumipat ako dahil....kasi freelance ako p’wede lang akong magtrabaho sa ibang network pero ang puso ko ay Kapuso pa din. Sabi ko nga, I still consider myself as a Kapuso, as talent of GMA network kahit hindi ako exclusive sa kanila.”

In fact, kung aalukin daw siya ng show ng GMA ay tatanggapin niya pa din. But that’s highly unlikely at this point.

Right now, she is being managed by Cornerstone Entertainment, same management firm representing Kris Aquino, Julia Montes, Empoy Marquez, and Catriona Gray among others.

Isa lang yan sa mga na-touch naming topic sa exclusive interview namin ni Butch Francisco kay Kris para sa pikapika.ph’s online show na This is Showbiz.

Of course napa-throwback kami nang slight sa mala-Hindi Tayo Pwede’ng off-cam relationship nila ng perennial loveteam partner niya noon na si Aljur Abrenica na mister na ngayon ni Kylie Padilla. Nakakakilig pa rin kahit di nag-materialize.

Ang sad part lang, hindi daw sila close ni Aljur ngayon, unlike yong ibang dating magkaka-loveteams. In fact, she even describes their present relationship as “may coldness.”

Pero past is past. Kaya nag-devote din kami ng ample time para busisiin ang love story nila ng kanyang non-showbiz fiancé na si Perry Choi, na dati niyang meat supplier sa kanyang food business. Humingi na rin kami ng some details about her upcoming 2021 wedding.

Lahat ng mga juicy details na yan ay nakapaloob sa aming exclusive interview na mapapanood n’yo by clicking the video above.

Happy viewing!

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.