EXCLUSIVE! This is Showbiz (#15) Ella Cruz, nagkwento ng mga struggles ni Julian Trono para “mapa-oo” ang parents niya

Last November 27, 2020, pumirma ng panibagong kontrata si Ella Cruz sa Viva at sa Viva Artists Agency, ang talent management home niya for the last five years.

At halos kasabay noon ay ang paglatag sa kanya ng isang solo project na pagbibidahan niya last year. Isa umano itong horror film na ang ganda raw ng material kaya naman excited na siyang mag-shoot (kung sakali ay baka this December masimulan).

It’s to be helmed by Maria director Pedring Lopez na naka-trabaho na rin niya  noon sa isa ding horror movie , ang Dark Room (2017). But prior to that, katatapos lang din nil Ella ng isang mala-pelikulang episode ng Kagat ng Dilim, under Direk Richard Somes naman. 

“Hinagpis” ang title ng said episode, kung saan nakipagtagisan siya ng galing ang Cinemalaya 2019 best supporting actress (for Edward) na si Ella sa 2020 Herat (Afghanistan) International Women’s Film Festival best actress na si Ruby Ruiz (for Iska), na gumanap bilang lola niyang sinapian ng demonyo.

Hmm, tila sa horror nalilinya si Ella, lately, ha.

Pero better na daw ito kesa sa tinanggihan niyang isa pang pelikula na feeling niya ay hindi niya talaga kayang pangatawanan—Darryl Yap’s Pangarap Kong Maging Porn Star.

Hindi raw niya lubos maisip kung bakit siya na-consider for the role. Sabi naman namin, baka it’s to test her versatility. But she politely declined dahil title pa lang daw ay na-eskandalo na siya. Malayo nga naman sa branding pa rin niya na bagama’t moderna, remains probinsyana at heart.

Ilan lamang ang mga ito sa mga ikunuwento ni Ella sa amin ni Bucth Francisco para sa 15th episode ng pikapika’s online show na This is Showbiz.

S’yempre, hindi p’wedeng hindi mapag-usapan ang love story nila ni Julian Trono na according to Ella ay nangyari nalang kahit walang pormal na ligawan.

Bata palang daw kasi ay ipina-pares na sila sa mga TV projects. At nagkataon pang ang lakas ng chemistry nila pag nagsasayaw together. Basta’t naramdaman nalang daw nilang sila na nang walang usap-usap. Swabe kumbaga. Ang setback lang (for lack of better term), wala silang mai-pinpoint na exact anniversary or monthsary ng kanilang romance.

Pero kung swabe ang mga naging circumstances pagiging magkarelasyon nila between them, that’s not necessarily the case daw pag dating sa parents ni Ella. “Super struggle” ang term na ginamit ni Ella to describe Julian’s efforts para mapalapit at matanggap siya ng mom and dad ni Ella.

Natural lang naman daw yon siguro ang ganoong relasyon ng parents na may anak na babae—na parang lahat ng manligaw, hindi pasado.

But Julian, kaka-effort, proved naman that he has good intentions kaya naman tanggap na tanggap na umano ng mga Cruz si Mr. Trono. In fact, welcome na welcome na umano ito sa bahay nila sa Angat, Bulacan—bilang “taga-linis ng [swimming] pool” at “taga-bayad ng crispy pata.”

Of course, the latter was a joke.

Isa ang #JulianElla sa masasabing stable relationships among mga kabataang celebrities. Of course, may mga bumps along the way, pero dahil ang rule nila ay never silang matutulog na hindi bati, kaya agad naman nilang nare-resolve ang kung anumang issues nagkaroon sila.

Ilan lamang iyan sa mga idinitalye rin ng sabi nga ni Bucth ay “bundle of cuteness” na si Ella Cruz sa aming exclusive interview sa kanya.

To view the full interview, please click on the video above.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.