EXCLUSIVE: Rhen Escaño, walang pumapansin noon, hataw sa trabaho ngayon

Twelve years na rin pala sa showbiz industry ang maganda at talented a si Rhen Escaño. Maski kami ay nagulat nang malaman naming part pala si ng paborito naming comedy movie na Dead na si Lolo na dinirek ng yumaong si Soxy Topacio. Siya pala ’yong kikay na anak doon ng character ni Manilyn Reynes.

 

’Yon daw ang first ever real acting job niya. Not to mention of course ’yong pagbi-bit player niya na naranasan din naman ng maraming artista.

 

As a bit player or extra, nagsimula daw siya sa “passerby” phase hanggang sa maging barkada ng bida, hanggang sa may speaking lines na. Masaya na raw siya noon dahil nakikita niya ang sarili sa TV at may income kahit papaano.

 

But as an extra, hindi rin siya nakaligtas sa pagmamaldita ng ilang tao sa production na ewan kung bakit karaniwang nangyayari talaga. Isa sa mga naikuwento niya ay isang eksena sa isang falls sa Tanay, Rizal, kung saan gumanap siya bilang isa sa mga fairies ng isang fantaserye.

 

Dahil nakababad daw sila sa tubig, nasira ang fairy sandals na pinagamit sa kanya at hindi niya alam kung kanino isosolo after. Sabi lang daw ng isang utility guy ay iwan nalang niya sa isang sulok. Pero nang ma-sight daw siya ng taga-wardrobe at nalamang nasira niya ay tinalakan na siya nang buong ningning sa harap ng maraming tao.

 

Naiyak daw siya hindi lang dahil sa masasakit na sinabi sa kanya kundi dahil napahiya siya sa harap ng madla including the fantaserye stars. Classic bullying, kumbaga.

 

Naging motivation naman daw niya ’yon at nag-self balloon thought siya na balang araw ay magkaka-name din siya at hindi na siya gaganoonin ng sinuman.

 

At nangyari nga at parang serendipituous na nakabalik siya sa mismong waterfalls location na pinagpahiyaan sa kanya. But this time, bida na siya sa landmark lesbian movie na Adan, na agad nasundan ng Untrue.

 

(Actually, mas nauna siyang na-cast sa Untrue pero naunang ipalabas ang Adan).

 

Bilog talaga ang mundo. But that’s getting ahead of the story.

 

Through the years, kung saan-saan na siya napadpad. Naikot na rin niya ang Top 3 TV networks pero matagal bago siya kinapitan ng s’werte at napansin, ika nga.

 

Nang ika-third year niya sa Viva—as co-managed by entertainment writer/talent manager Aster Amoyo—

Aminado si Rhen na nakakaramdam na rin siya ng pagka-inip sa kanyang career. Feeling niya ay walang nangyayari at tingin niya ay wala namang nakakapansin sa talent niya.

 

But still, she didn’t give up dahil kahit may inip, naniniwala pa rin siya sa sariling kakayahan. 

 

Taong 2019 nang nagsimula nang magdatingan ang magagandang opportunities—Probisyano, Untrue, Adan ang so many more in between na nagkakataon lang na wala pang playdate gaya ng horror na Roofdeck at isang pang love story naman.

 

“Kaya hindi lang naman po puro pa-sexy ang ginagawa ko, nagkataon lang na magkakasunod,” say sa amin ni Rhen sa aming exclusive na pakikipagtsikahan with her.

 

Ang tinutukoy ni Rhen na kasunod ng 2020 erotic-thriller movie niyang Adan ay ang tila sexy-thriller ding The Other Wife—na streaming na TODAY (July 16) sa Vivamax.

 

Aniya, wala naman daw siyang keber sa sasabihin ng tao sa pagpapaka-daring niya sa pelikula. Hiling lang niya na sana ay hindi magiging mababa ang tingin sa mga gaya niya dahil hindi raw madali ang ginagawa nila at hindi naman umano basta sexy movie ang pinipili niyang pag-daring-an. Besides, the girl can act.

 

Siya daw mismo ay mataas ang tingin niya sa mga tumahak din ng ganitgong landas sa kanilang career at in-example niya ang Hollywood actress na si Natalie Portman.

 

Indeed, right after niyang mag-out-of-the-box roles, so to speak, hindi na natapos ang dating ng biyaya kay Rhen. In fact, habang sinusulat naming ito ay nasa Singapore na siya at mananatili doon for three months to film a dramatic love story na matagal na raw niyang in-audition at nito lang niya nalaman na siya pala ang napili. Bago umalis ay may naipondo na nga siyang dalawang  movies sa Viva na naghihintay nalang ng streaming release.

 

At bago rin umalis ay nakapag-promote pa nga siya nang husto para sa The Other Wife, kung saan ang misteyosong role niya bilang ang kababata ng husband sa movie (Joem Bascon) ay ayaw niyang i-detalye kahit pigain pa siya. Spoiler daw kasi.

 

Happy lang siya na ka-trabaho niya ulit si Lovi Po—at kapwa na sila bida—after so many years. Una silang nagkakilala sa set ng Lipgloss sa TV 5 na pareho pa silang newbie. And this time, kay Joem Bascon naman siya may maiinit na love scene. 

 

Pero ipinapangako niyang hindi ito isang ordinary mistress drama lang.

 

In real life, ayon kay Rhen, mas nakaka-relate siya actually sa napa-praning na wifey character ni Lovi na si Janis more than her character na si Luisa.

 

Dumaan daw kasi siya sa baliw-baliwang klase ng pagmamahal noong araw at hindi raw ito masaya. 

 

“May bubulong-bulong talaga sa’yo pag dumarating ang mga trust issues,” pag-amin niya.

 

Although natuto na raw siya at hindi na siya masyadong reactionary ngayon. She’s also hoping na sana ay hindi na siya gullible na isang sorry lang pag nagkamali ang partner ay okay na.

 

Ang she’s also hoping na panoorin ng mga tao ang The Other Wife at maki-hula sa kung ano ang major twist ng istorya.

 

It’s streaming on Vivamax now.

 

Meanwhile, panoorin n’yo rin ang aming masayang pakikipag-tsikahan kay Rhen about buhay-buhay by clicking the video above.

YOU MAY ALSO LIKE:

Sa tanong kung naging “unfaithful” na ba, aamin kaya sina Rhen Escano, Joem Bascon, at Lovi Poe?

Joem Bascon, hindi ipapapanood kay Meryll Soriano ang The Other Wife

Exclusive: Lovi Poe, muntik atrasan ang bagong pelikula tungkol sa kabit; “Sabi ko, wala na ba akong ibang mai-o-offer?”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.