Exclusive: Marco Gumabao, tawang-tawa sa fake news na nabuntis niya si Sharon Cuneta

Aware s’yempre si Marco Gumabao kung gaano ka-big time na artista si Sharon Cuneta but in his relatively short stint palang naman sa showbiz, never pa raw niya itong na-meet in person. Not even sa mga showbiz affairs. Wala pa silang hi-hello moment at all.

Sa shooting na mismo ng Revirginized sa Subic, Zambales naganap ang first ever meet up nila.

Siya daw ang unang nagbigay-pugay dahil ganoon naman daw siya sa mga veteran stars.

“Pag dating ko ng hotel, sakto dumating din s’ya sa hotel. So, nagpakilala agad ako. S’yempre kailangan kong magbigay-pugay sa mga beterano nating artista.” 

Aniya, base sa mga napanood niyang interviews kay Mega (pet name ni Sharon sa showbiz, which is short for Megastar), nababaitan na siya dito. And kung ano daw ang ine-expect niya ay ’yon ang Sharon na naka-harap niya, plus more.

“Of course ako ang ano ko kay Mega, ang tingin ko kay Mega, superstar. Megastar nga diba? Pero sa mga nakikita ko sa mga interviews niya parang kita kong mabait siya. And true enough, nu’ng maka-trabaho ko s’ya proven and tested na sobrang bait niya.”

Kalog at ma-kwento daw pala ito at nakaka-bawas daw iyon sa pagka-ilang niya dito.

“She’s very ma-k’wento, very approachable,” nakangiting say pa ng gwapong leve-up actor. “Kumbaga, gusto niya lahat ng tao na nandoon sa set kumbaga barkada niya. Parang kak’wentuhan niya, kausap niya, ganyan. So, kumbaga hindi mo... parang for me, s’yempre matatangal ’yong hiya mo sa kanya. S’yempre megastar ’yon diba? But since sa sobrang bait niya, matatanggal ’yong hiya mo, ’yong [feeling of] inferiority mo sa kanya dahil sa ugali niya.”

That’s one reason na rin daw kaya’t hindi siya nahirapang “barubalin” kapag hinihingi ng eksena (na ang mga pa-sampol ay naipakita na sa first Revirginized trailer na may 10M-plus views na as of last count). Plus, of course, pina-iral niya rin ang pagka-aktor at ang teknik nga raw ay kalimutan for a while na megastar ang ka-eksena niya

“Part siya ng pagre-ready mo as an actor,” patuloy ni Marco. “S’yempre kahit na alam mong ’yong kaeksena mo sobrang sikat, s’yempre pag dating mo sa set kailangan mong isipin na trabaho lang ’yon. And at the same time, nandoon ka for the character hindi as Marco and ’yong katapat mong artista hindi s’ya Sharon Cuneta kundi kung sino ’yong character niya.

“Kasi s’yempre kung iisipin mo na kumbaga si Ms. Sharon Cuneta ito, doon ka s’yempre kakainin ng hiya mo or ng inferiority mo diba? Pero kung aatakihin mo s’ya kumbaga parang trabaho, normal work, ganyan. Kaya mo s’yang maitawid.” 

Dahil sa Revirginized, nagkaroon tuloy ng MaRon (Marco-Sharon) at CuBao (Cuneta-Gumabao) loveteam. Lutang ang magandang chemistry nila bilang isang depressed “cougar” at isang yummy live-in-the-moment millennial na magpo-fall sa isa’t isa.

At dahil na rin sa chemistry’ng ito kaya maraming naka-imbento na fake news na i-extend sa real-life ang pagli-link sa kanila.

Nauna nang in-address ni Sharon Cuneta ang tungkol sa buntis issue. Buwan ng Mayo palang kasi, nang tumungo siya sa Amerika, ay agad nang nagsulputan ang mga isyung sinaktan umano siya ng asawang si Sen. Kiko Pangilinan dahil nalaman nitong may ka-relasyon itong bagets. Iyon daw ang dahilan kung bakit siya biglang napalipad sa California. Nasundan pa iyon ng tsika na diumano ay buntis siya.

Ani Sharon sa kanyang live chat sa kanyang asawa sa Instagram/Facebook, malabong mangyari na sinasaktan siya dahil hindi naman siya papayag. Nagbiro pa siya na marunong naman siyang bumaril sakaling saktan siya. 

Hinanting pa ni Mega that time kung sino umano ang bagets na iniu-ugnay sa kanya. “Nasaan ba yan at nang ma-cougar na,” biro pa niya. Okay lang daw kung si Keanu Reeves ito or any of her K-Drama/K-Pop crushes.

“Nakalimutan yata ng mga tao na hindi na ako 30s...55 [years old] na po ako,” dagdag pa ni Mega sa Live Chat.

These issues even prompted the senator to file a legal case against two YouTube channels and YouTube and Google officers para matuldukan na umano ang pangpe-fake news sa pamilya niya.

Kalaunan, pinangalanan na ng ilang mapangahas na vloggers ang “bagets” at si Marco Gumabao umano ito.

Nang maka-tsikahan namin si Marco via Zoom, isa s’yempre ang topic na ito sa hiningan namin ng reaction from him. 

Kung si Sen. Kiko ay nabuwisit, tila wala namang epek ang issue sa ever cool na si Marco. 

“Of course nakita ko sa YouTube lahat ’yon,” naiiling na tsika ni Marco. “Natatawa nalang ako sa lahat ng mga ginagawa ng tao for viewership diba? Hindi naman ako nag-react. Publicity pa rin s’ya, of course. Pero nakakatawa. Nakakatawa ang ginawa nilang isyu kasi sobrang malabong mangyari talaga.” 

Biro pa namin, magiging daddy na pala siya.

“’Yon na nga, e. Hahaha! Nakakatuwa kahit headline lang binabasa ko, natatawa na talaga ako. Pero kasama sa work ’yon.” 

Para sa mas mahabang tsika, please click on the video link above. 

Samantala, mapapanood na natin ang Revirginized this Friday, August 6, sa Vivamax and other streaming platforms.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.