Exclusive coverage of the Alden Richards-Bea Alonzo movie contract-signing

Kaninang umaga, March 2, ay ginanap sa isang pribadong venue ang contract signing para sa pelikulang pagtatambalan nina Alden Richards at Bea Alonzo.

 

Tatlong malalaking entertainment forces kasi ang nagsanib-sanib para maisakatuparan ang dream project na ito—ang GMA Pictures, ang APT Entertainment ni Mr. Tony Tuviera, at ang Viva Films na siyang may-ari ng rights ng franchise ng Pure Soul, ang Japanese drama series na ia-adapt into movie ng mga nabanggit.

 

Kapwa excited na sina Alden Richards at Bea Alonzo sa mapang-hamong project na ito kaya kahit patung-patong daw ang pressure ay raring to shoot na sila. Naka-laan na raw ang buong March nila to shoot pero bukod sa shooting ay wino-workshop muna sila ni Direk Nuel Naval (the same director of the blockbuster hit, Miracle in Cell No.7) to guide them on how to attack their roles.

 

Another level up para kay Alden ang role niya dito dahil first time siyang gaganap ng may asawa at si Bea pa ang kapareha na dating pinapangarap lang niyang maka-trabaho.

 

Si Bea, for her part, ay “anxious and nervous but very excited” ang description sa nararamdaman niya sa ngayon. Slightly pressured daw siya dahil adaptation ang gagawin nila at alam daw niyang maraming Pinoys ang true-blooded K-Drama fans (in-adapt din kasi ng South Korea ang Pure Soul at tinawag namang A Moment to Remember). 

 

Suplado raw ang role ni Alden sa umpisa ng pelikula at isa yon sa nakaka-challenge sa kanya bilang opposite ’yon ng pagkatao niya. At dahil magiging mag-asawa sila ni Bea sa pelikula, magpapa-buff daw siya ulit para sa mga “matured scenes” nila.

 

Samantala, nagtatalo pa ang dalawa kung papanoorin ba nila ang original drama series at ang Korean remake as part of their research. Si Alden ay ayaw para hindi daw siya ma-distract sa atake, while si Bea ay medyo nate-tempt na dahil gusto raw niyang makita kung paano hinandel ng foreign actresses ang very challenging role ng may early onset ng Alzheimer’s Disease.

 

Samantala, hoping ang Viva, APT, at GMA na mag-start nang mag-normalize ang buhay para maipalabas sa mga sinehan ang pelikulang ito dahil it’s the kind that deserves a big-screen viewing. 

 

Samantala, narito ang ilang exclusive patikim sa Alden-Bea tandem... ang aming special coverage ng kanilang contract signing kaninang umaga.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.