Exclusive: Cindy Miranda, hindi kinayang panoorin ang playback ng mga love scenes nila ni Aljur Abrenica

“Mysterious” lang ang kayang sabihin ni Cindy Miranda tungkol sa character niya sa first starring role niyang Nerisa. Ingat na ingat siyang mag-k’wento dahil baka makapuslit siya ng spoiler detail.

“Basta napaka-kumplikado po niya,” natatawang dagdag ni Cindy nang maka-tsikahan siya ng pikapika, along with her leading man Aljur Abrenica, kamakailan.  

At ayon sa kanya, hindi naman daw dark ang mga nalilinyahan niyang film characters—gaya ng vindictive lesbian na si Marian sa Adan (2019)—kundi mga strong women lang.

“May mga pinaglalaban lang at hindi nagpapatalo,” say pa ni Cindy.

Sa sex-dramang Nerisa, malalaman palang natin kung ano ang pinaglalaban niya. But base sa trailer, napadpad siya sa isang isla, nasagip at napangasawa ng character ni Aljur, pinagnanasahan ng ibang kalalakihan sa isla habang kina-iinggitan naman ng mga kababaihan doon. Paano kaya siya magbe-blend sa seemingly backward na pag-iisap ng mga taga-isla?

Sa Alabat island sa Quezon province lang nagkita at nagkakila in person sina Aljur at Cindy. At ayon kay Cindy, si Aljur naman daw ang nag-break ng ice, so to speak, by introducing himself.

Sa mga last shooting days naman daw kinuhanan ang kanilang mga love scenes kaya’t level up na nang konti ang comfort level nila by then.

Pero kung si Cindy daw ang masusunod, gusto na niya agad gawin ang love scenes, hindi dahil excited siya kungdi to get it done and over with para mawala na ang kaba sa dibdib niya.

“May mga times kasi hindi matutuloy...so ako, [sa loob ko] ‘Pinapatagal pa ba ’to?’ Para tapos na. Haha!”

Ani Aljur, nagme-meeting muna sila ni Cindy para pag-usapan kung paano i-e-execute ang love scenes lalo pa’t sinabihan daw sila ni Direk Law Fajardo na “Bahala na kayo.”

Kung ang ibang eksena daw ay inaarte pa ng direktor mismo para ipakita kung paano ang gusto niyang atake, ang love scenes daw ay ipinaubaya nalang sa kanila.

Aminado si Cindy na kabado siya every time na may kukuhanan love scenes, but ’yong sa kanila ni Aljur in particular—dahil may love scenes pa pala siya sa ibang male cast—pina-bahala naman daw niya sa “mas sanay” na si Aljur.

Ilang beses na rin kasing gumanap ng mga daring roles si Aljur kaya’t more or less ay alam na niya ang cinematic techniques ng mga mapangahas na eksena. At base sa mga nakita niyang rushes after ng eksena, natahi naman daw nang maayos ang mga love scenes nila.

As for Cindy, hindi raw siya sumasamang manood sa monitor kapag tapos nang kunan ang love scene. Usually kasi ay pine-playback ng director ang eksena to review. At raw na raw pa iyon at that stage.

“Hindi ko kaya,” pag-amin ni Cindy. 

Pero base sa nakita niya sa trailer...

“Mukang totoo,” say ni Cindy. “Feeling ko na-execute namin nang maayos kaya nga ang daming reactions [ng tao]. At natutuwa ako kasi at least naman makatotohanan pala sa mga mata ng tao.”

Ani Cindy, pre-pandemic pa raw ay alam na niya ang tungkol sa project at pinaghandaan naman daw niya nang husto. But at some point, dahil sa pandemic, akala niya ay hindi na matutuloy. Ilang beses din daw ni-revise ang script ng premyadong writer na si Ricky Lee. 

Kaya naman sobrang saya daw niya nang sabihing go na ang project at magus-shoot na sila. 

“Ako pa rin pala si Nerisa,” balik-tanaw ni Cindy sa mga naganap.

But no matter how much she prepared, hindi pa rin daw niya inakalang napaka-complex pala ng role na Nerisa. Napasabak daw siya ng husto sa aktingan. Dagdag pa ang mga hirap sa shoots dahil sa mga health restrictions.

“Ang hirap!” nailing na k’wento ni Cindy. “Ang hirap ng character, napaka-bigat. Di ko inaasahan na gano’n kahirap...”

Sabi nga ni Aljur, first and last call daw sa set si Cindy everyday kaya’t talagang naging physically draining din—bukod sa emotionally—ang project para sa bidang si Cindy.

“Pero ang galing niya,” papuri ni Aljur. “She really prepared well. Kaya hindi siya maaapektuhan sa mga nangyayarai kasi maganda ang ginawa niyang trabaho.”

Hindi man direktang sinabi ni Aljur, tila ang tinutukoy niya ay ang pagkakadawit ng pangalan ni Cindy sa hiwalayan nila ng asawang si Kylie Padilla.

Isa si Cindy sa tatlong babaeng ini-link sa pangalan ni Aljur. In fairness, February pa nagsimulang mag-emote si Kylie at nagkakilala lang sina Aljur at Cindy noong June. 

But we can’t blame some of the bashers kasi litrato palang, kita na ang chemistry ang dalawa. Parehong Pinoy na Pinoy at kapwa sexy talaga. At nang lumabas ang trailer, kung saan may pasilip sa isa sa mga sizzling bed scenes nila, maraming nag-imagine na baka si Cindy nga ang salarin. 

“Muka nga po kaya nga ang daming bashers,” natatawang reak ni Cindy. “Ang galing namin... masyado naming ginalingan [ni Aljur]. Trailer palang affected na sila, mas lalo sa movie.”

For her part, dedma lang si Cindy.

“Whatever ang issues nila sa amin, wala po ’yon. Hindi po masisira ang Nerisa ng mga bashers diyan,” pamba-brush off niya. “Very strong ang movie na nito sa mga bashers...Pero okay lang, paingayin n’yo po, go lang.

“Kasi sigurado namang magbabago ang pananaw nila after nilang mapanood ang Nerisa.”

Nerisa starts steaming this Friday, July 30, on Vivamax and other streaming platforms.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.