July 31 nang agad masagap ng mga fans ng AshMatt couple na sina Mr. and Mrs. Matteo and Sarah Guidicelli ang balitang may nagaganap na shoot involving the lovebirds.
May mga nag-akalang para sa isang pelikula ito pero karamihan ay humulang ang shoot ay para sa isang endorsement.
It turned out, it’s for a three-part infomercial TVC pala ng Meralco.
First ever endorsement project ito nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli after six years of being a couple. Pero sulit ang long wait ng mga AshMatt fans dahil bukod sa TVC ito, three parts pa. At ang pinaka-nakakakilig na part, ibibida sa TVC ang pagiging newlyweds nila.
As Mr. and Mrs. Guidicelli, ipapaliwanag nila ang pointers regarding the public’s Meralco bills gaya ng May and June billing at actual meter readings ng mga nasabing buwan.
Ngayong araw, August 7, at 6:30 pm, ay ilo-launch na sa mga digital platforms ng Meralco ang three TVC episodes.
At heto naman ang schedule ng airing sa mga TV at cable channels:
August 7 at 6:30 pm = TV5 One Balita / GMA-7 24 Oras / One News The Big Story
August 8 at 9:00 am = TV5 NBA
August 8 at 12 pm =GMA-7 Eat Bulaga!
August 9 at 8am = NBA TV
August 9 at 6:30 pm = GMA-7 24 Oras Weekend