Exclusive: Andi Eigenmann, buntis with Baby No. 3! (Baka daw last baby na niya at sa pancakes daw siya naglilihi.)

Ngayong araw, August 30, ay may mahalaga at masayang announcement ang mag-sweetheart na Andi Eigenmann at Philmar Alipayo sa kanilang “Happy Islanders” YouTube channel.

Sa latest vlog nila, after the two-parts first birthday celebration ni Baby Lilo, ay opisyal nang in- announce ng dalawa ang muling pagbubutis ni Andi. 

Yup, Baby No. 3 is on the way!

Bukod sa vlog announcement ay binigyan din ni Andi ng exclusive interview ang pikapika.ph, na siya ring naka-exclsuive noon sa mga detalye ng pagbubuntis niya kay Baby Lilo, na isa ng makulit at cute na cute na toddler.

RELATED: Andi Eigenmann is one happy momma

At the time of the pikapika.ph virtual interview ay hindi pa raw siya nakakapagpa-check up sa kanyang OB-Gyne. Pero sa tantiya ni Andi ay nasa 16 weeks na siya.

Four weeks palang daw nang malaman nila ni Philmar na buntis nga siya ulit. Naisipan lang daw niyang mag-pregnancy test dahil delayed ang kanyang monthly period pero hindi niya raw inaasahang may dalawang guhit na lalabas dahil maaga raw ang pagte-test niya. Kaya laking tuwa daw nila nang mag-positive ang pregnancy test. 

Nasa Siargao daw siya at that time at naka-set lumipad for Manila kasama si Baby Lilo para sana sunduin si Ellie. Timing na timing daw dahil at least ay magkasama sila ni Philmar to celebrate the good news.

“Nalaman ko na parang ano s’ya no’ng nag-separate kami ni Philmar...no’ng papunta na kami sa Manila [ni Lilo],” panimulang k’wento ni Andi.  “S’yempre sad. Pero nalaman namin ’yon. Kasi parang inisip ko wala pa rin akong period. I kinda felt or was pretty sure I was pregnant. But we took a test para... I think four weeks palang. We took a test. Ta’s inisip ko na gusto lang namin kasi since maghihiwalay na kami ng place, inisip naming walang lalabas kasi four weeks [pa lang]. Pero merong lumabas...’yong two lines? So, alam na. Nakapag-celebrate kami.”

Ani Andi—na nasa condominium niya sa Metro Manila at the time of our interview at naghihintay pa ng flight back to Siargao—baka raw last baby na nila ito ni Philmar dahil pangatlong Caesarian operation na niya kung sakali.

“I think this will be my last baby,” pag-amin niya. “So, bitter-sweet if ever.”

However, hindi naman daw siya magpapa-ligate. Baka lang daw kasi maging delikado na for her kung madadagdagan pa.

“Parang after Lilo, we really wanted another child na close in age s’ya kahit  papa’no para... kasi I experienced having Ellie like for the first seven years and I kinda like the idea that...like I want to have... gusto ko ng maraming kids pero gusto ko rin ’yong idea na isang paguran nalang. 

“So, kung sabihin ng doctor ko na last na, like delikado na after the third then ano I’m gonna take extra precaution. S’yempre will be ano, safe... basta will be ano find our options.”

Bukod daw sa pamilya ni Philmar at mga close friends nila sa Siargao ay si Ellie ang una nilang sinabihan through a phone call. Pero dahil kasama ni Ellie that time ang kanyang Lola Jaclyn Jose at ang uncle niyang si Gwen (brother of Andi on mom’s side), naging isahan nalang ang pagbabalita.

And speaking of Ellie, ready naman na daw itong maging ate times two, ang hiling lang daw ay maging baby brother this time.

“Sabi n’ya sana daw boy kasi sobrang kulit ni Lilo...” natatawang k’wento ni Andi. “Palaging sunod nang sunod sa kanya so feeling n’ya parang... feeling n’ya ata na parang girl, ate... ta’s pag boy akala n’ya yata na it will make a difference. Hindi ko sinabi na pareho lang ’yon. Pero kahit ano din siya pero feeling ko hiling n’ya talaga, ‘I hope it’s a brother, I hope I can really have a brother.’”

As for her and Philmar...

“Philmar and Ellie are the same. They’re really hoping na boy. Ako, at the beginning, gusto ko talaga boy din kasi kung last child ko diba? Para meron naman akong son. Pero at the same time, as time passed, kahit...like third child ko na ’to so kahit ano lang. At saka I really enjoyed being a mom to girls also. So, kung third girl, it won’t make a difference to me. It’s just an additional child to dress up and ano raise to be strong and independent.” 

However, aminado si Andi na kung magiging boy this time ay maninibago siya ng slight sa pag-aalaga.

“Sabi ko nga kay Ellie, never pa ’ko nag-clean ng boy ...ng poop ng boy...nag-change ng diaper ng boy, ganyan. Ta’s parang sabi ko, I don’t know the difference. 

“Ta’s si Ellie maraming pinsan na... lahat ng pinsan n’ya sa father’s side, lalaki. Sabi n’ya, ‘Mom, it’s weird... it’s really weird. it’s much easier to change a girl’s diaper.’ Sabi ko, mas alam n’ya pa.”

At this point, may naka-reserve na raw silang name kung magiging lalaki ang baby. Mapapa-isip lang sila ulit kung magiging girl ulit.

If it’s a guy, if it’s a boy, meron na kasi gagamitin namin...sabi ni Philmar, ‘Gamitin nalang natin ’yong option natin if boy...’ Kasi kung boy si Lilo, nag-isip kami ng option ta’s gustong-gusto pa rin namin hanggang ngayon. So, ’yon pa rin pag boy. Pero pag girl, wala pa. Napagsawaan namin ’yong mga ibang choices namin kay Lilo last time.”

So far, pancakes daw ang napapaglihihan niya sa kanyang third baby. Hindi raw siya naniniwala noong araw sa lihi pero nong in-explain sa kanya noong time palang ni Ellie saka niya na-discover na she was experiencing it pala.

“Pero kasi wala naman akong weird cravings whatsoever. Pero marami akong cravings na hindi... like no’ng in-explain sa ’kin ’yong lihi noon kay Ellie, sabi ko hindi weird ’yong craving ko pero I guess it’s weird for me... like it’s things na kung hindi ako pregnant, hindi ko naman talaga kinakain.

“Like, wala akong sweet tooth pero kay Ellie ang pinaglihian ko is apple pie and vanilla ice cream. Tapos kay Lilo chocolate cake—as in chocolate cake. Diniscover ko lang lahat ng mga masasarap...and to think... kasi I was following a vegan lifestyle bago ako naging pregnant kay Lilo. Tapos naging lactose intolerant ako during pregnancy. My doctor said siguro parang hindi sanay ’yong katawan so nagulat. Pero kahit na ano’ng mangyari, kahit na naging lactose intolerant ako no’ng pregnancy ako kay Lilo, chocolate cake talaga. Okey lang. Titiisin ko. Magtso-chochocolate cake pa rin ako.

“Ta’s ngayon, pancakes...dati hindi ako nag... like si Philmar and Ellie minsan nai-stress ako sa kanila kasi pag kumakain kami sa labas, like sa Siargao... pancake ’yong ino-order nila kahit na lunch! Ta’s ako parang, ‘Why? Weird.’ Ta’s sila parang, ‘We love pancakes. Sarap ng pancakes. Pancakes are really good.’ Ta’s ako parang... Ta’s sasabihin nila gawa ako ng pancakes. Ta’s hindi talaga ako gumagawa kasi parang hindi ko naman kakainin.

“But now, even for dinner, pancake kami nang pancake... sa sobrang hilig ko sa pancake, nakagawa ako ng vegan pancake recipe na mapupunta na sa menu ng café namin na Siargao. Weird.”

Like Ellie and Lilo, dito rin sa Manila ide-deliver ni Andi ang kanyang third baby. Babalik nalang daw sila dito pag malapit na siyang manganak.

At press time, malamang ay nakabalik na sa Siargao ang mag-inang Andi, Ellie, at Lilo. Habang kausap namin si Andi ay excited na siyang makabaliik talaga doon dahil kinarir ni Philmar ang pagpapatapos ng bahay nila doon na gagawin ding Airbnb (or vacation rentals) at café. 

So, busy s’yang tapusin ’yon para pag balik namin, do’n na kami... do’n na kami magka-quarantine sa bahay naming,” masayang pagtatapos ni Andi

Congrats, Andi and Philmar!

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.