Direk Joel, no comment sa kontrobersyal na statement ni Phillip Salvador noong SONA

Phillip Salvador is set to star with Nora Aunor in Isa Pang Bahaghari, which will be helmed by Direk Joel Lamangan na umiiwas masangkot sa latest controversy involving the actor regarding his harsh statement during the SONA last week.

PHOTOS: Anna Pingol & @jcbabao28

Phillip Salvador is set to star with Nora Aunor in Isa Pang Bahaghari, which will be helmed by Direk Joel Lamangan na umiiwas masangkot sa latest controversy involving the actor regarding his harsh statement during the SONA last week.


Artista ni Direk Joel Lamangan sa Isa Pang Bahaghari na magsisimula nang mag-shooting ngayong August ang kontrobersyal na aktor na si Phillip Salvador. Kontrobersyal dahil nag-trending noong July 22, araw ng SONA [State of the Nation Address] ni Pangulong Rodrigo Duterte ang binitawang salita ng aktor tungkol sa mga detractors ng pangulo. Close kasi ang aktor sa pangulo at isa ito sa staunchest defender ng pangulo.

Kaya naman noong makausap ito ng media bago magsimula ang SONA sa Batasang Pambansa ay halatang nadala ito ng emosyon kaya nasabi nitong “mamatay na kayong lahat” na ang tinutukoy ay ang mga diumano’y detractors o mga hindi naniniwala sa style ng pamamahala ng presidente.

Sa press con storycon kahapon, July 28, ng Isa Pang Bahaghari—na produced by the same production na nagbigay ng Rainbow Sunset last year para sa Metro Manila Film Festival (ang Heaven’s Best Entertainment ni Harlene Bautista)—sumaglit at nagbigay-pugay lang ang aktor at hindi nagpa-interview sa press, kaya naman si Direk Joel na lang ang inusisa ng press tungkol sa issue.

Pero maski ang director, nakilala sa pagiging aktibista, ay ayaw mag-comment. Pero hindi dahil wala siyang opinyon. May iniiwasan lang siyang posibilidad sa ngayon.

Si Phillip Salvador, by the way, ang pumalit sa role na originally intended for Christopher de Leon. Asawa siya sa pelikula ni Superstar Nora Aunor.

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.