Coco Martin, nabulol sa isang word dahil sa kaba; naitawid naman

Karaniwang unang tanong sa mga movie at teleserye press conferences ay kung ano ang role ng mga artista sa mga pino-promote nilang proyekto.

At hindi naman naiba ang scenario sa grand mediacon ng 3pol Trobol Huli Ka Balbon—na concept and story by, produced by, directed by, edited by, at starred in by Coco Martin.  

Ine-esplika ni Coco ang role niya na anak daw siya ni Ai-Ai delas Alas at bodyguard ng tatay ng love interest niyang si Jennylyn Mercado.

Dahil excited at medyo kinakabahan dahil kasisimula palang ng mediacon, kaya may puntong nabulol-bulol si Coco sa pagbigkas ng word na criminology student.

Siya na mismo ang nag-blooper call sa sarili at nilaro ang sitwasyon kaya ang cute lumabas. In fact, lalo siyang naging cute dahil sa ginawa niya.

Go watch the video.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.