Butch Francisco, in denial pa rin sa pagpanaw ng nanay-nanayang niyang si Manay Ichu Maceda; umaasang magparamdam ito sa kanya para makapag-usap sila

Isang malungkot na araw sa film and TV industry ang September 7, 2020 dahil sa umaga ng araw na iyon ay binawian ng buhay ang isa sa mga pinakamamahal na alagad ng sining: si Marichu Vera-Perez Maceda o mas kilala sa tawag na Manay Ichu.

She reportedly succumbed to cardio-respiratory failure.

She was 77.

That same night, ginanap ang cremation ng mga labi ni Manay Ichu sa Arlington Memorial Chapels and Crematory sa Araneta Avenue, Quezon City. Ito na rin ang nagsibling unang gabi ng lamay para sa kanyang cremated remains na itinakda para lamang sa kanyang pamilya.

On September 8, inilipat sa Sampaguita Pictures Chapel sa Quezon City, ang kanyang cremated remains para mapaglamayan ng mga nagmamahal sa kanya. 

Mahigpit na ipinatupad ang mga safety protocols sa Sampaguita Pictures Chapel, kung saan sampung tao lamang at a time ang pinayagang makapasok para magbigay ng huling pagpupugay kay Manay Ichu.

Si Manay Ichu ay mula sa ilustradong angkan ng mga Vera-Perez, ang pamilyang nagtatag ng Sampaguita Pictures during the pre-World War II era.

Siya ay naging manunulat, production designer, and later on ay film producer din; at isa sa pinaka-unforgettable movies na pinamahalaan niya ay ang classic na Batch 81 ni Direk Mike de Leon.

The indefatigable Manay Ichu ang isa sa mga unang nagsulong para maging globally competitive ang mga pelikulang Filipino at naging aktibo din siya sa maraming organisayon na may kinalaman lahat sa pagpapalago ng local film industry gaya ng:

—Movie Workers Welfare Foundation (Mowelfund)

—Metro Manila Film Festival

—Film Academy of the Philippines

—Philippine Motion Pictures Producers Association —Experimental Cinema of the Philippines

—Film Development Council of the Philippines (FDCP) 

Pero para kay Butch Francisco, si Manay Ichu ay kanyang “nanay.” “Kulang nalang, lumabas ako sa womb niya,” k’wento ni Butch si pikapika.ph.

Aniya, binatilyo palang siya noong makilala niya si Manay Ichu, who took a liking on him. Nagta-trabaho daw siya noon sa Film Academy when she started mentoring him hanggang sa ituring na nga siyang anak-anakan nito na mas tumindi pa raw noong mag-migrate sa Amerika ang kanyang mga magulang.

Samahan natin siyang sariwain ang mga magagandang alala ng itinuturing na grand matriarch ng film industry, si Manay Ichu Maceda.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.