Billy Crawford at Coleen Garcia, in love na in love kay Baby Amari

Taong 2011 palang ay magkakilala na sina Billy Crawford at Coleen Garcia.

Pero sa show na It’s Showtime sila mas nagka-kilanlan mula ng maging regular si Coleen dito noong 2012.

Kapwa pa sila may ibang karelasyon at that time. 

Pero matapos ang isang taon ay umingay ang balitang pumoporma na si Billy kay Coleen, na balitang hiwalay na noon sa kanyang boyfriend.

In mid 2013, nababalita nang nagdi-date ang dalawa. At that time, naparatangan pang third party si Coleen sa hiwalayan ni Billy at ng ex-girlfriend nito.

Kapwa nila ito idinenay at nakiusap pa si Billy sa publiko na wag idamay sa Coleen sa personal niyang issue.

By 2014, openly dating na sila bagama’t wala pa ring pag-amin kung sila na nga.

Pero by July 24, 2014, in-announce ni Billy sa It’s Showtime na sinagot na umano siya ni Coleen the previous day. 

Two years after, on December 20, 2016, nag-propose na si Billy sa love of his life na si Coleen

And in the next year, on April 20, 2018, they exchanged I do’s at nangakong magmamahalan habambuhay sa isang romantic wedding ceremony na ginanap sa Balesin Island Resort in Polilio, Quezon.

Isang taon ang lumipas bago nagbuntis si Coleen sa kanilang first baby. Five months na ng pagbubuntis niya nang in-announce nilang mag-asawa ang tungkol dito sa kanilang respective Instagram accounts noong May 1, 2020.

Sa virtual gender reveal nila, na ginanap noong  June 10, nalamang lalaki ang dinadala ni Coleen.

And on September 10, Coleen finally gave birth to a healthy and goodlooking baby boy, whom they named Amari.

Ngayon ay larawan ng isang masayang pamilya ang Team Crawford. Walang pagsidlan ng saya ang mag-asawa na halinhinang nag-aalaga kay Baby Amari.

Kapag si Billy ang may hawak kay Amari, nakamasid si Coleen...At kapag si Coleen naman, paniguradong diko-document ni Billy ang bawat moment ng mag-ina.

Kinakausap nila parati si Amari na very responsive na at two months old. Type na type ni Amari pag kinakantahan siya ng kanyang daddy.

At miss na miss ni Billy ang mga bonding moments nila mag-ama kapag may trabaho siya sa labas.

Samantala, very bonded naman si Amari sa kanyang mommy dahil bine-breastfeed siya nito.

Sa parte naman ni Billy, hindi siya nagsasawang sabihin kay Coleen how much he appreciates her lalo pa’t na-witness niya ang pinagdaanang hirap nito sa pagbubuntis at panganganak. At patuloy niyang nawi-witness ang mga sakripisyo nito para sa anak at sa kanya.

At equally thankful naman si Coleen sa pagiging appreciative na asawa at pagiging hand-on dad ni  Billy.

At dahil cute na cute si baby Amari, paniguradong excited lagi ang mag-asawa na i-share sa mga followers nila ang every move and milestone nito.

Stay happy, Team Crawford!

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.