Bea Alonzo, solong rumampa sa Sine Sandaan Event; dinumog ng press

Kahit sandamakmak ang mga artistang nagsidatingan sa Sine Sandaan event ng Film Development Council of the Philippines na ginanap sa New Frontier Theater sa Quezon City kagabi, September 13, ay iba pa rin ang naging pagkakagulo ng mga mediamen kay Bea Alonzo.

First time kasing nasilayan ang ganda nito in a very public after ng mga kontrobersiyang kinasangkutan nito nang mga nagdaang buwan—ang masalimuot na hinawalaya nila ni Gerald Anderson na naugnay naman kay Julia Baretto.

Solong dumating si Bea sa venue. Halos nauna lang nang kaunti sa kanya ang kaibigan niyang si Angel Locsin na of course ay escorted ng fiancé nitong si Neil Arce. Kaya agad namang nagkaroon nang ka-bonding si Bea pagdating niya sa lobby ng venue.

Tsumika sandali si Bea sa umpukan kung saan nandoon ang scriptwriting mentor niya na si Ricky Lee, kasama sina Atty. Joji Alonzo ng Quantum Films at si Ms. Lorna Tolentino, na gaya ni Bea ay isa rin sa 300 luminary awardees that night.

Ayaw pang ikwento ni Bea kung tungkol saan ang script na ginagawa niya—under nga the tutelage of scriptwriting guru na si Ricky Lee. Secret daw muna ito. 

Walang naglakas-loob magtanong kay Bea ng anything about the “issue.” 

Ang sabi lang ni Bea ay masaya na naging bahagi siya ng 100 Years of Philippine Cinema celebration dahil mahal daw niya ang industriya ng showbiz at mataas ang respeto niya sa mga taong bumubuo ng industriya ng pelikula at telebisyon.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.