Noong August 14, nag-second birthday ang cute na cute na baby girl ni Diana Zubiri na si Aliyah Rose Smith, ang panganay niya sa model-businessman husband niyang si Andy Smith.
“My best friend and my shadow” ang tawag ni Diana sa kanyang mini-me na si Aliyah, habang “My Princess” naman ang term of endearment ng asawa niyang si Andy dito.
That same day ay nag-post si Diana ng birthday video ni Aliyah sa kanyang Instagram account (@dianazubirismith) kung saan ipinapakita ang tuwang-tuwang si Aliyah habang madidinig sa background and boses ng pamilya niya, sa pangunguna ni Diana na kumakanta ng “Happy Birthday” song.
Nakaka-aliw lang na imbes na sabihin ni Aliyah na two years old na siya, ang pilit nitong inuulit-ulit sabihin ay three years old na siya with matching muwestra pa ng tatlong daliri.
Halina’t maki-good vibes na birthday video ng tila nagmamadaling magdalaginding na si Aliyah Rose Smith.
YOU MAY ALSO LIKE:
Kai Gutierrez’s Bonggang 1st Birthday and Dedication party
Divine Lee’s son Baz turns 1 with Mexican-themed party
Isabel Oli’s childhood wish granted through daughter Feather’s birthday party
Sarah Lahbati, Richard Gutierrez celebrate son Kai's 1st birthday