Alex Gonzaga & Xian Lim to star in an adult rom-com; Alex, willing makipag-“kidney-to-kidney” kay Xian sa mga love scenes nila

Kahapon, February 7, ginanap sa Viva office ang story conference ng pelikulang Love The Way You Lie, ang rom-com movie na pagtatambalan ni YouTube superstar Alex Gonzaga at ng multi-hypenate heartthrob na si Xian Lim.

 

Co-prod ito ng Viva Films at Ten17 movie outfit ng bayaw ni Alex na si Direk Paul Soriano and to be helmed by the same director behind Mary, Marry Me na si RC delos Reyes.

 

Adult romance-comedy daw ang offer ng pelikula sa viewers, which means may konting “sexiness” na io-offer sina Alex at Xian, na hindi naman bago for Xian pero first time susubukan ni Alex. Pero ayon kay Alex, no holds barred daw siya sa project na ito.

 

“Wala akong limitations, kidney-to-kidney nga ang type ko…laman-loob, bukas,” punchline ni Alex.

 

The movie is about two people coping with loss—si Alex ay gaganap na mayamang half-Chinese fortune-teller na naghirap; while Xian’s character just lost his wife (to be played by Kylie Verzosa). 

 

Aware daw si Xian na malakas ang personality ni Alex at biro nga niya, ngayon palang ay napapagod na siya. Hindi naman daw alam ni Alex kung paano siya le-level up para makasabay kay Xian sa aktingan bilang ang titinding aktres na nang nakasama nito sa mga projcets.

 

“Ewan ko nga kung bakit niya ito tinanggap,” biro na naman ni Alex. “P’wede ka pang mag-back-out, ha.”

 

Eto ang ilan sa mga baliwang eksana sa Love The Way You Lie storycon:

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.