AJ Raval, mas pipiliin daw ang showbiz career over love life sa ngayon

PHOTOS: @ajravsss on Instagram

PHOTOS: @ajravsss on Instagram

 

 

Mas matimbang daw para sa aktres na si AJ Raval ang kanyang showbiz career sa ngayon kesa sa kanyang love life. 

Ito ang inilahad ng sexy drama actress sa exclusive heart-to-heart interview sa kanya ng pikapika.ph kamakailan matapos naming matanong kung nauunawan ba ng kanyang boyfriend ang nature ng kanyang trabaho.

Pinasok na rin kasi ng dalagang anak ni Jeric Raval ang pagpapa-sexy sa pelikula at talagang naging daring s’ya sa kanyang naging pagganap sa mga films na Paglaki Ko Gusto Ko Maging Pornstar at Death of a Girlfriend na kapwa mapapanood sa Viva streaming app na Vivamax.

Dito sinagot ni AJ na wala daw s’yang nobyo pero at this moment ay meron daw nagpapalipad-hangin sa kanya. 

“Boyfriend po? Ngayon po wala po akong boyfriend,” sagot ng aktres. “Hindi pa po boyfriend. Parang nanliligaw-ligaw lang po.

At mukhang masuwerte ang guy na hindi n’ya pinangalanan dahil tila may pag-asa naman daw ito sa kanya. 

Nasa personality naman po n’ya ‘yong pagiging boyfriend,” pagbabahagi ng promising Viva artist. “Nasa kanya naman po mabait, responsible, may pangarap sa buhay and may hitsura naman po so may chance naman po siya.

Mahalaga daw kasi kay AJ na supportive ang guy at naiintindihan nito ang line of work n’ya na s'yang priority daw n’ya sa ngayon. Kaya’t kung hindi rin lang daw understanding ay career muna ang pipiliin niya.

Sobrang importante po nu’n [understanding] kasi po for me kung papiliin po ako [between] career or love, ngayon po pipiliin ko po siguro [ay] career,” paliwanag pa n’ya.

Kasi kapag career ‘yong pinili ninyo…kung love ka po n’ya talaga mag-i-stay s’ya. Pero kung love pinili ninyo p’wede pong mawala ‘yong career.”

And speaking of career, talagang kumikinang na ang bituin ni AJ sa showbiz sa mga pagganap n’ya sa mga daring roles recently sa mga nabanggit na movies.

Pag-amin pa n’ya, napa-flatter daw s’ya sa mga natatanggap n’yang papuri mula sa fans pero hindi din daw maiwasan na minsan ay nababastos din s’ya. 

Minsan po napa-flatter po ako, minsan naman po feeling ko nababastos po ako,” k’wento ni AJ. “Kunwari po may mga nababasa po akong comments sa mga pictures ko. Sobrang foul na po ‘yong sinasabi.

Hindi po maiiwasan na makaramdam ako ng pambabastos pero s’yempre alam ko naman ‘yong pinasok ko kailangan ko pong malaman kung ano po ‘yong mangyayari.

Kaya daw minsan ay deadma na s’ya sa mga komento ng mga tao sa social media. 

Ako po kasi, pag po may mga hindi magandang comments, pag may negative comments po sa akin hindi ko na po siya pinapansin. Parang ini-entertain ko po ‘yong isip ko sa ibang bagay,” pagtatapos ni AJ.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Muling humahataw na si Rosanna Roces, birthday cakes ang naging basehan noon sa pagtanggap na hindi na siya importante sa showbiz

Exclusive: This is Showbiz Episode 22 (B): Bare-all tsikahan with Pornstar stars Maui, Ara, Alma, at Osang

Death of a Girlfriend lead star Diego Loyzaga, aminadong goal pakasalan si Barbie Imperial

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.