Zara Lopez, palaban sa buhay ngayong isa na siyang single mom

Mensahe ni Zara Lopez sa nakahiwalayang si Simon Javier: “Iniwan mo mang mag-isa pero magpapatuloy sa buhay at magiging malakas. Pinagkaitan man ng buong pamilya ang walang kasalanan na bata, umasa kang magiging buo kami kahit wala ka.”

PHOTOS: @zaralopez999 on Instagram

Mensahe ni Zara Lopez sa nakahiwalayang si Simon Javier: “Iniwan mo mang mag-isa pero magpapatuloy sa buhay at magiging malakas. Pinagkaitan man ng buong pamilya ang walang kasalanan na bata, umasa kang magiging buo kami kahit wala ka.”

Ramdam ang bigat ng pinagdadanan ngayon ng dating Viva Hot Babe na si Zara Lopez.

Isa na kasi s’yang single mom ngayong naghiwalay na sila ng partner n’ya, ang TikTok star na si Simon Javier.

Ganu’n pa man, bakas sa celebrity mom ang pagpapakatatag para sa anak nilang si Sapphire Love Javier. 

Laman nga ng kanyang video na ipinost sa TikTok at Instagram ngayong araw, February 12, ang pagiging palaban n’ya para sa kanyang anak.

Madami mang pinagdadaanan, pero ilalaban para sa mga anak. Hindi sapat ang salitang sustento para sa anak. Kumpletong pamilya ang kailangan ng isang inosenteng bata,” lahad ng aktres sa kanyang voice over sa video.

Sa breakup daw kasi nila ni Simon, hindi na n’ya maibibigay dito ang dapat sana ay kompletong pamilya.

Hindi dahilan ang problemang pinagdadaanan kung may isang musmos na bata ang magsasakripisyo para sa sariling kapakanan,” ani Zara.

Hindi sapat ang salitang problema para magdusa ang walang kamalay-malay na bata. Walang anumang dahilan ang p’wede irason para sa anak at pamilya.”

Sa ngayon, sa Itaas daw s’ya kumakapit para kayanin ang lahat nang mag-isa. 

Ang D’yos ang tanging kakampi sa laban na wala kaming kasalanan ng anak ko,” aniya.

Tila mensahe pa n’ya sa dating karelasyon, ipapakita raw n’ya rito na kakayanin n’ya ang lahat. 

Iniwan mo mang mag-isa pero magpapatuloy sa buhay at magiging malakas. Pinagkaitan man ng buong pamilya ang walang kasalanan na bata, umasa kang magiging buo kami kahit wala ka,” saad n’ya.

Hindi mo man pinanindigan pero maninindigan para sa anak. Hindi mo man kami nailaban, pero panoorin mo ’ko kung paano ko ipapanalo ang laban na hindi mo kami sinamahan,” pagtatapos n’ya.

Just three days ago, nag-post din si Zara ng video sa social media kung saan nagpakatotoo s’ya at sinabing akala n’ya ay si Simon na ang lalaking makakasama n’ya sa buhay.

Sinabi rin n’ya roon na pinapalaya na n’ya ang dating karelasyon at ipinangako n’ya sa kanyang sarili na maghihilom s’ya mula sa sakit ng paghihiwalay nila.

Nagpasalamat naman sa comment section si Simon sa pagiging maunawain ng aktres.

“Thank you for this, Zara [Red heart emoji],” he wrote.

Nakiusap din s’ya sa publiko na irespeto ang naging desisyon nila na maghiwalay.

“May deeper reason why kami nag- break ni Zara. It’s too personal and family matter yun. Please respect our privacy,” pagtatapos n’ya.

SCREENSHOT: @zaralopez0703 on TikTok

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.