Ysabel Ortega, type ang pagiging “joker, sweet, at gentleman” ni Miguel Tanfelix

Ang What We Could Be serves as the biggest break ni Ysabel Ortega sa kanyang career. Pero ang mas nakakapagpasaya daw sa kanya ay ang fact na nakita niyang masaya at proud ang mommy niya—ang dating actress na si Michelle Ortega—nang mapanood nito ang pilot week ng show niya. “Kasi of course, as everyone knows, she’s my best friend. Siya ang nakakaalam ng passion ko, ’yung journey ko sa craft na ’to. So, I guess, her seeing my scenes, finally watching what I’ve been working hard for the past few months, sobrang natuwa siya.”

Photos: @ysabel_ortega

Ang What We Could Be serves as the biggest break ni Ysabel Ortega sa kanyang career. Pero ang mas nakakapagpasaya daw sa kanya ay ang fact na nakita niyang masaya at proud ang mommy niya—ang dating actress na si Michelle Ortega—nang mapanood nito ang pilot week ng show niya. “Kasi of course, as everyone knows, she’s my best friend. Siya ang nakakaalam ng passion ko, ’yung journey ko sa craft na ’to. So, I guess, her seeing my scenes, finally watching what I’ve been working hard for the past few months, sobrang natuwa siya.”

Nagkaroon na ng advanced screening para sa pilot week ng bagong GMA Telebabad show na What We Could Be.

Ang naturang serye ay ang first joint venture ng GMA-7 at Quantum Films. Pinagbibidahan ito ng bagong ine-explore na loveteam ng GMA, ang mga Sparkle artists na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega.

The serves as the biggest break ni Ysabel sa buong career niya at bilang isang Kapuso. At mas nakakapagpasaya kay Ysabel ang facet na nakita niyang masaya at proud ang mommy niya—ang dating actress na si Michelle Ortega—nang mapanood din nito ang pilot week nila.

“My mom, sobrang happy siya for me,” nakangiting pahayag ni Ysabel.

“Kasi of course, as everyone knows, she’s my best friend. Siya ang nakakaalam ng passion ko, ’yung journey ko sa craft na ’to. So, I guess, her seeing my scenes, finally watching what I’ve been working hard for the past few months, sobrang natuwa siya.

“Not just her but my Dad as well.”

Ang tinutukoy ni Ysabel na “Dad” ay ang kanyang step-father. Ang biological father ni Ysabel ay ang actor at senator na si Lito Lapid.

Kuwento pa ni Ysabel: “Talagang sabi nga niya, nagpapasahan pa sila ng panyo sa cinema, which, nagulat ako because my Dad doesn’t really cry for movies.

“So, yeah, it was really nice to know that they’re proud of me and talagang natutuwa ako na nandiyan sila for me all the time. And yeah, they’re just very happy.”

Ang patok na Kylie Padilla-starrer na Bolera ang papalitan ng What We Could Be. Kaya kung pressure rin lang, meron daw talaga sa part ni Ysabel.

Lalo na nga at sa pilot week daw ay sa karakter na niya naka-focus ang istorya.

“For me, of course, may pressure,” pag-amin niya. “But at the same time, it’s not all about Ysabel, the pilot. It’s also about Ms. Joyce (Burton), my whole family. 

“I feel like it’s our camaraderie, it’s our chemistry ...grabe rin ’yung chemistry namin as a family and ang daming scenes namin sa pilot.

“I feel like sobrang grateful ako kasi, unang scene pa lang, nag-click na kami agad as a family. Yeah, there’s pressure but because of how talented my co-actors are as well and how grateful I am na naka-eksena ko sila, I think, it will make the viewers fall in love with our series.”

Ipakikilala sa What We Could Be ang loveteam nila ni Miguel. Pero kung si Ysabel ang tatanungin, mas gusto nga ba niya ang may permanenteng ka-loveteam o ‘yung naipapareha sa iba’t-ibang actor?

“Each option, may benefit naman talaga siya sa career,” saad niya. “But for me, you know, yes, it’s nice to be in a loveteam, a permanent loveteam. But at the same time, ang ganda rin kasi ng opportunity as actors na makapag-grow kayo and the way you could grow is also to work with others as well.

“I think, if ever, balance talaga.”

Kung may pinaka-gusto man daw siya sa loveteam nila ngayon ni Miguel, wala silang pressure na sine-set sa isa’t-isa.

Ayon kay Ysabel, “There’s really no pressure. We only work with each other and we’re really looking forward to many other opportunities din ng kanya-kanya naming career.

“I feel like na kung maging permanent loveteam man or we get the chance to work with other people, ang priorities pa rin namin ay kung ano ang makakapagpabuti sa career namin and what will make us grow even more.

“So there’s not really a good answer to that kasi nga both options are really great.”

Pero sa tanong kung ano ang mga katangian ni Miguel na nagugustuhan ni Ysabel, ang sense of humor raw ng ka-loveteam ang una sa listahan.

“For me siguro, ’yun talaga, ang sense of humor ni Miguel. Kasi, s’yempre, ang saya lang kapag good vibes sa set. Kapag may joker sa set. 

“Super saya lang kapag ang kasama mo sa trabaho, palaging nakakapagbigay ng joy.”

“Pangalawa, he’s very caring,” dagdag niya. “He’s very sweet. He’s such a gentleman and sobrang mahalaga sa akin ’yon. 

“Kasi nga, nando’n ’yung care, nando’n ’yung respect. And at the same time, I just really like na magkasundo kami when it comes to our work ethics. I feel like nagkakasundo talaga kami.” 

Sa huli, natanong namin si Ysabel kung may naging pangyayari na ba sa buhay niya na nasambit niya ang mga katagang “what we could be.” 

“For me, yes, definitely, may mga ‘What if moments’ sa life ko kasi, s’yempre, ’di ba, there’s so many options na p’wede nating piliin na p’wedeng magbago ng course ng life natin.

“Of course, grateful ako sa journey na pinili ko ngayon but at the same time, meron din akong mga ibang passion. Meron din akong ibang gustong i-try sa life or what if hindi ako nagkaroon ng opportunity na pasukin ang showbiz?

“I think, there’s so many what ifs din sa buhay ko na napag-isipan ko. But at the same time, I feel that I’m young, marami pa ring possible na pwedeng mangyari. So, maging passion ko man ang isang bagay, may control naman ako na wag gawing what if lang ’yon.”

What about sa pag-big? May nasabihan na ba siya nito?

“Sa love, parang wala naman, so far,” natatawang sagot ng dalaga. “I mean, sa love naman...I mean, it’s something that you have control.

“So, your what if could become your right now, your present.”

Magsisimula na ang What We Could Be sa August 29, kapalit ng Bolera.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.