Young achiever na si Althea Ruedas, accelarated to Grade Six kahit ratsada ang acting career

Dream come true para sa child star na si Althea Ruedas na gumanap bilang young Kathryn Bernardo sa pelikula dahil idolo raw n’ya ang Kapamilya actress.

PHOTOS: Anna Pingol

Dream come true para sa child star na si Althea Ruedas na gumanap bilang young Kathryn Bernardo sa pelikula dahil idolo raw n’ya ang Kapamilya actress.

Parang matanda na kung sumagot sa interview ang ten-year old child star na si Althea Ruedas kaya naman no wonder na nakapasok s’ya sa showbiz sa mura n’yang edad.

Naka-tsikahan kasi namin ang batang ito right after ng media conference nila ni Jerald Napoles for their upcoming movie Instant Daddy kahapon, September 21.

Dito nga ay naikuwento n’ya sa amin na munting bata pa lang daw s’ya ay pangarap na n’yang makapasok sa showbiz.

Nung three years old po ako gustong-gusto ko na po talaga maging artista,” lahad ni Althea. Si Kathryn Bernardo daw ang napapanood niya noon na siyang nag-inspire sa kanyang mag-artista. 

Nagsimula raw s’ya bilang young kontesera sa mga singing contests at doon daw s’ya unang na-discover.

May nakakita sa akin kasi I was singing dati po. I was a singer. Kumakanta-kanta po ako and then may sinalihan po akong contest,” pagbabahagi n’ya sa amin. 

“’Yong isang judge po, manager po s’ya. Ayan po, si Mama Beth po, co-manager ko po siya ngayon. Nu’ng nakita po nila ako, [sabi nila] may potential daw po ako,” she added.

Sumabak rin umano s’ya sa mga audition for TV commercials noon pero palagi raw s’yang bokya at hindi natatanggap.

Nag-start po akong mag-commercial-commercial. Six months po kami dire-diretso mag-audition [pero] wala pong kumukuha,” pagre-recall ni Althea.

Ganu’n pa man, hindi s’ya sumuko hanggang sa mabigyan s’ya ng opportunity sa isang giant fast food brand.

“Then po, may kumuha po sa akin, which is Jollibee. Kinuha po nila ako and binigyan nila ako ng tatlong projects. I was so grateful,” aniya.

Iyon na umano ang simula nang pag-shift n’ya from singing to acting. S’ya raw ang madalas na kinukuha para gumanap na batang version ng mga lead stars. 

Ayon na nga po, nag-start na po ako ng film and teleserye po. Ang una ko pong teleserye na ginawa, mga youngs po, puro young [characters] po ako,” pagbabahagi ni Althea.

Ang ibig niyang sabihin ay siya ang gumaganap na young version ng mga bidang artistang babae.

“And then naggawa po ako ng isa po teleserye, The Haunted, kasama po si Daddy Jake [Cuenca] and Mommy Shaina [Magdayao] and Mommy Denise Laurel. That’s my first teleserye na hindi po ako young [version]. I was so grateful po noon,” pagpapatuloy n’ya.

However, pansamantalang napurnada raw ang lahat ng tumama ang pandemic sa bansa noong 2020. Napilitan umano s’yang mag-lie low that time pero never daw nawalan ng loob at hindi s’ya tumigil para sa kanyang pangarap. 

Pagkatapos po noon, biglang nag-quarantine po, nag-pandemic. Medyo nag-lie low po ako noon,” kuwento pa n’ya.

Gumawa po ako ng mga live videos, mga live videos po muna. Nag-join din po ako ng mga contest online. Puro Broadway [musical] po ang sinasalihan ko doon kasi gusto ko din po mag-Broadway, e,” she went on.

Hindi naman nawalan ng saysay ang effort n’ya dahil nasungkit n’ya sa online audition ang lead role sa Doll House (2022) kung saan naka-work n’ya ang versatile actor na si Baron Geisler at nag-top 1 pa sa Netflix Philippines.

Nu’ng pandemic din po nakapag-audition po ako sa Doll House. Doon po ako nag-audition. Online po siya. Ang laki po ng tiwala nila sa akin,” masayang sabi n’ya.

“And then two days after my birthday saka po kami lumipad pa-Netherlands, which is like a gift from God for me. And ’yon po, sobrang happy po ako doon sa project na ’yon,” she continued.

Nu’ng pinalabas po ’yon, proud po ako sa sarili ko and I’m so grateful kay Papa Jesus for guiding me, blessing me for all those projects.”

From Doll House, nagbalik-teleserye din si Althea via The Iron Heart na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez.

“I’m Lia there, and ’yon po, puro young po ako ngayon,” aniya. 

Speaking of young, s’ya rin ang gaganap na young Kathryn Bernardo sa upcoming movie nito with Dolly de Leon na A Very Good Girl. Dream come true daw ito for her lalo na’t iniidolo raw n’ya ang Kapamilya actress. 

Si Ate Kathryn hanggang ngayon po idol ko po s’ya. And ngayon po sa movie n’yang A very Good Girl I was young Kathryn there,” patikim na detalye ni Althea.

Tapos ’yon nga po, nakikita ko s’ya palagi. Na-amaze po ako sa ginagawa nila.”

Kami man ay na-amaze din na sa edad n’ya ngayon ay marami na s’yang achievements at nakakatrabaho pa n’ya ang mga malalaking pangalan sa industriya. Nabiro tuloy namin s’ya na siguro ang yaman-yaman na n’ya.

Hindi po. Puro bills po, e. Hahaha!” sagot n’ya sa amin.

E, sino naman kanyang artista ang gusto n’yang maging young version nito sa susunod n’yang project?

Kahit sino po talaga kasi once na may nagsabi ng project na ganyan, sobrang happy ko na po nun. Kahit na anong role po ’yon happy po ako,” sagot ni Althea.

Tingin ko po talaga kahit sino po na artista na maging young po ako I’m so grateful po,” dugtong pa n’ya.

Pero kung may wish daw n’ya na maging daddy n’ya sa future project, it would be John Arcilla.

Sino naman kaya ang gusto n’yang maka-love team kapag naging teenager na s’ya?

“Study first. Hahaha!” she said.

At present kasi ay nasa grade school pa s’ya.

“I’m in grade six po. Accelerated po kasi ako ng two years,” sabi ni Althea.

Kahit mahirap, keri daw n’ya na pagsabayin ang pag-aaral at ang pag-aartista.

Kasi po, I think, ano kasi talaga, passion ko po kasi s’ya kaya for me it’s okay. Kaya ko po,” ani Althea. 

Samantala, excited and grateful daw ang batang aktres sa movie project nila ni Jerald Napoles kung saan talagang in-offer sa kanya ang role at wala nang audi-audition pa. First-ever movie ito with Viva at sa ngayon daw ay kabahagi na rin siya ng Viva Artists Agency, ang management arm ng Viva.

Mapapanood na ang dramedy’ng Instant Daddy starting October 11 in cinemas nationwide.

https://www.youtube.com/watch?v=qDnZwiAjaxA

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.