Happy daw ang seasoned actress na si Yayo Aguila na may love life ngayon ng dati niyang mister na si William Martinez.
Sinabi niya iyan mismo nang makausap siya ng entertainment press recently right after ng media conference proper nila for their upcoming movie Firefly.
Natanong kasi ng press people ang aktres kung ano ang reaction niya sa bali-balitang masaya ang buhay pag-ibig ngayon ng kanyang ex.
Ayon kay Yayo, masaya raw siya na may lovelife ang kanyang dating mister at ama ng apat niyang mga anak.
"Alam mo, sa totoo lang, happy ako for him na. At least, na-introduce na n'ya sa world, 'di ba? Happy ako for him in all honesty," pahayag ng aktres.
"Hindi lang ako happy sa mga sinasabi n'ya. Sa totoo lang naman ako. Hindi naman ako showbiz, e," diretsahang sabi pa niya.
Ang tinutukoy niya ay ang panibagong interview ni William, this time with Julius Babao, kung saan sinabi nitong “binaligtad” siya ni Yayo sa mga anak at ang mga anak nila ay “kumampi” kay Yayo lalo na noong nagpa-interview siya kay Aster Amoyo naman noong 2021.
As for Yayo, wala na raw rason para mag-usap pa sila ni William unless may kinalaman sa kanilang mga anak na sina Patrizha, Danielle, Dana, at Adam.
"Okey na rin na mag-remain kami na ganu'n... buhay n'ya, buhay ko, walang pakialaman. Pero pagdating sa mga bata doon lang naman kami may reason para mag-usap," saad ni Yayo.
At Kahit na hindi sila nag-uusap, masaya umano siya na may nag-aalaga at nagpapasaya ngayon kay William.
"Mabuti na rin 'yong hindi [kami nag-uusap], sa ngayon hindi muna. Pero happy ako na merong nag-aalaga sa kanya. Happy ako na may nagpapasaya sa kanya para hindi n'ya ako binubwisit. 'Yong ganu'ng istorya. Hahaha!" pagbibiro pa ni Yayo.
Siya naman, for her part, ay happy rin sa aspetonh yon ng kanyang buhay. Three years na rin daw ang relasyon nila ng isang non-showbiz guy.
As for William, aware naman daw siya sa mga nangyayari dito dahil sa mga tsikang lumalabas sa internet. Ganu'n pa man, hindi raw siya nagbibigay ng kahit anong komento.
"Open book naman 'yan, e. Marami sa social media ngayon na 'yon nga 'yong mga lumabas. S'yempre, maraming nakakarating sa akin, alam mo yon," ani Yayo.
"'Yong sa akin lang, s'yempre, hindi naman ako magko-comment about that as always. Lagi naman tikom 'yong bibig ko. Never talaga ako magsasalita kahit alam kong ang mga tao, kung ano nababasa nila sa internet, may tendency na yon ang paniwalaan nila,” pagpapatuloy pa niya.
Ang importante naman daw kasi sa kanya ngayon ay nasa poder niya ang kanyang mga anak.
"Wala akong kailangan patunayan. Basta ang są akin, kasama ko 'yong mga anak ko," she said.
"Alam ni Lord 'yong totoo. Ang akin lang, accountability, 'di ba? Honesty, 'yon lang 'yon
"So, hindi ko kailangan patunayan ang sarili ko. Wala akong kailangan sabihin. God knows who hołds the truth so doon na lang ako. Gusto ko lang ng tahimik na buhay," pagtatapos ni Yayo.
Kabilang si Yayo sa Metro Manila Film Festival 2023 entry na Firefly.
Kasama niya rito sina Alessandra de Rossi, Cherry Pie Picache, Dingdong Dantes, Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, and more.
Mapapanood ang movie'ng Firefly starting December 25 in cinemas nationwide.
YOU MAY ALSO LIKE:
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber