Yassi Pressman, excited sa upcoming movie kasama sina Arjo Atayde at JC Santos

PHOTOS: Anna Pingol & Melo Balingit

PHOTOS: Anna Pingol & Melo Balingit

Present ang aktres na si Yassi Pressman sa Viva Vision 2020 last January 28 sa Novotel Manila, Quezon City kung saan in-announce na may gagawin s'yang pelikula ngayong taon.

Masaya at excited ang Filipino-British actress dahil bibida na ulit s’ya sa pelikula. Noong 2018 pa kasi s’ya huling bumida sa mga pelikulang gaya ng — Ang Pambansang Third Wheel (with Sam Milby), Para Sa Broken Hearted (with Sam Concepcion, Marco Gumabao and Louise delos Reyes), at Born Ready (with Ian Ignacio).

Last year 2019, nagkaroon lang si Yassi ng special participation sa Metro Manila Film Festival [MMFF] entry na The Mall, The Merrier na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Anne Curtis.

Hindi maikubli ng 24-year-old Kapamilya actress ang tuwa habang ini-interview s’ya ng entertainment press during the event, hindi lang dahil sa movie, kundi dahil din sa excited siyang maka-trabaho ang magagaling na aktor na sina Arjo Atayde at JC Santos sa Pinoy adaptation ng Korean drama film na More Than Blue, na dapat pala ay last year pa sana nasimulan

"Very, very exciting po s'ya para po sa aming lahat," paglalahad ng ABS-CBN primetime actress. "Alam ko talagang pinag-isipan ng buong [Viva] team ang gagawin for this year simula pa lang po last year.

"’Yong pelikula namin, dapat last year pa po namin gagawin kaya lang hindi pa talaga nagkakaroon ng oras. Kaya po ngayon, talagang everyone is dedicated sa very siksik [na] 2020."

Kapwa naka-trabaho na ni Yassi sina Arjo Atayde at JC Santos sa FPJ’s Ang Probinsyano before, pero ang ikina-ka-excite niya ay love interest niya ang dalawa for a change daw.

"Si Arjo po nakasama ko sa Probinsyano pagpasok ko,” recall ni Yassi. “Kaya lang kalaban. Tapos si JC nakasama ko naman po no’n, akala ko mabait pero kalaban din.

“So, ngayon dito po, ang twist n’ya hindi enemy side. Iba naman ang twist nito. Iba naman ang flavor po nito. So, panibago po s'yang experience."

Tungkol kasi sa mag-best friend na babae’t lalaki ang More Than Blue. Lihim na in love si lalaki kay babae pero imbes na ligawan ay ipinagtulakan niya ito sa iba dahil alam niyang may malubha siyang karamdaman.

Aware daw si Yassi na medyo na-neglect niya ang paggawa ng pelikula last year. Pero choice naman daw niyang hindi mag-lagare.

"One by one lang muna ako," tugon ng aktres. "Kasi di pa kami tapos sa Probinsyano, e. Saka gusto ko ring makapag-focus kami dahil meron kaming mga big stars na papasok [sa show] this year. Kailangan committed talaga. And after that... [p’wede na].

Gayunpaman, hindi naman daw nanghihinayang ang actress-dancer kung nalilimitahan man ng pinagbibidahan n’yang teleserye ang paggawa n'ya ng pelikula.

"I'm very, very blessed to be here," saad ni Yassi. "More than anything, napakalaki po talagang honor to be part of FPJ's Ang Probinsyano. 'Yon pa lang po, proud na proud na ako."

Patuloy na mapapanood si Yassi bilang Alyana, ang misis ng bidang si Cardo Dalisay [Coco Martin] sa FPJ's Ang Probinsyano, gabi-gabi sa ABS-CBN Primetime Bida.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Yassi Pressman meets half-sister Shiobhan for the first time in Sydney

Yassi, di kinaya ang nag-viral na accident photo ni veteran actor Eddie Garcia

Yassi Pressman, binasag ang katahimikan para ipagtanggol ang kapatid na si Issa sa third-party issue; kasama ni Nadine Lustre, hinihimok ang Netizens na mag- #thinkbeforeyouclick

Issa Pressman no more plans on following sister Yassi’s footsteps in showbiz

 

 

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.